Ben : Natatanggal ba ang permanent pasta sa ngipin?
Ask the Dentist : Oo Ben. Natatanggal. Walang permanent na bagay sa mundo. 🙂
Itanong mo sa Dentista!
Ben : Natatanggal ba ang permanent pasta sa ngipin?
Ask the Dentist : Oo Ben. Natatanggal. Walang permanent na bagay sa mundo. 🙂
Charlz : Pwede pa po ba ipasta un front teeth ko. nabali ksi siya!! medjo may butas na kasi siya coz of cavities.. ano po ang magandang solusyon sa ipin ko?thanks in advance 🙂
Ask the Dentist : Malaki ang possibility na involved na ang pulp. Kung involved na ang pulp, ipa-RCT mo tapos crown. Pumunta ka sa dental clinic, at ipatingin sa dentist.
Bog : Dr paano maalis ang tooth cavity?
Ask the Dentist : Hi Bog. Lilinisan muna ang cavity. Tapos tatanggalin ang carious tissue. Saka lalagyan ng composite resin or amalgam or GIC.
Paul : Hi po Doc! Ask ko lang po sana kung pwede po bang magpa-braces muna bago magpa-pasta? Tsaka ask ko din po kung pwede pa rin magpa-braces kung may jacket yung front teeth ko. Thanks po.
Ask the Dentist : Hindi. Sa Orthodontic treatment, ang pinakainiiwasan natin ay tooth decay. Mahirap mag-maintain ng kalinisan sa bibig kapag nandiyan na ang brackets at wires ng orthodontics. Kaya ang dentist, sinisigurong alam ng pasyenteng linisan ang kanyang mga ngipin kapag nailagay na ang braces.
Kaya bago pa man ilagay ang braces, dapat wala nang papastahan. Dapat pastahan muna lahat ng dapat pastahan bago ikabit ang braces.
Isa pa, may tendency ang pasyente na hindi na magpapasta kapag nailagay na ang braces. Sigurado na kapag nailagay ang braces at hindi ka nagpapasta, lalala nang lalala ang caries ng mga ngipin mo, hanggang sumakit ang mga ngipin mo dahil sa infection.
Para sa pangalawang katanungan mo. Oo, pwede kang magpabraces kahit may jacket ang front teeth mo.
Manny : Pwede bang pastahan ang ngipin yun harap?
Ask the Dentist : Hi Manny. Oo. Pwedeng pwede. Kahit yung likod na ngipin pwede.
Ann : Hi doc. Masakit ba ang pasta?
Ask the Dentist : Depende kung malapit na sa pulp ang caries, galing ng iyong dentista at kung gaano kataas ang tolerance mo sa pain.
Hazel : Ask ko lang kung masakit bang mag pa-pasta? kasi nag ka-phoba na ako sa mga dentista..
Ask the Dentist : Depende sa kung gaano kagaling ng dentist mo at kung gaano kataas ang pain tolerance mo.
Ronald : Good day po! I have a few questions po tungkol sa pasta.
– Kahit po ba malaki na yung butas, pwede pa ring pastahan? I had my pasta done a few years ago sa ilang ngipin ko. Diba po sa process, “kinakayod” po yung bulok na part ng tooth bago lagyan nung pasta? I’m afraid na baka konting part na lang yung matira sa tooth ko pag kinayod at baka di na siya pwede. This time po kasi, malaki-laki siya compared dun sa previous na pinastahan sa akin.
– Yung pasta ko po kasi sa front teeth, medyo nasira. I don’t know if dun po siya nasira sa pagkain ng maasim. Kita po pag malapitan yung division sa ngipin at pasta sa harap. If ever po ba, pwedeng ipabago yun at tatanggalin po ba lahat or aayusin lang yung previous na pasta?
– Pwede po bang magpa-braces kahit may pasta na sa ngipin?
Naging pabaya po ako sa teeth ko, kaya now I’m suffering the consequences. Hope masagot niyo po yung mga tanong ko. Thanks! More power.
Ask the Dentist Philippines : Pwedeng pastahan basta hindi pa umaabot sa pulp at wala pang infection. Kung hindi na makuha sa pasta pwedeng icrown basta hindi pa umaabot sa pulp. Kapag umabot na sa pulp, kailangan iroot canal treatment muna bago pastahan or crown. Continue reading “Dental Crown Philippines”
Jacquilyn: good am po. ask ko lang po if ano possible gawin sa tooth ko kc nkapermanent filling na po ito (last march lang po) pero nagdedecay po sya sa loob. parang affected na din po yung gum and katabing ipin na temporary filling lang. thanks a lot po
Ask the Dentist Philippines: X ray at tests. Kapag wala pang periapical infection at hindi pa naman sumasakit, papalitan yung pasta. Kung may infection na, root canal tapos porcelain fused to metal crown or all ceramic crown. Para magimprove ang gums, magbrush ka. Every after kumain. 🙂
Rexon Nomus Calub: Magandang Umaga po,
May ngipin po ako na may malaking butas na pero di naman ganon kalaki. ano po ang masuggest niyo po para maayos toh? sumasakit po kasi pagnalagyan ng anong bagay like kanin dun sa butas ang ngipin ko, hm, makaya pa po ba ito ipa cement?
Salamat po sa mag tugon.
Ask the Dentist Philippines: Hehehe! Malaki pero hindi ganon kalaki? Hehehe! Maliit ba? O malaki? Ang maisasauggest ko ay, ipatingin mo sa dentist. Hindi ko malalaman kung ano ang pwedeng gawin para maayos yan dahil mismong ikaw hindi mo alam kung maliit o malaki.