Dental clinics na aking isinasuggest. Kumbaga, may seal of approval ng website na ito. Kung may papuri kayo sa mga dentist na narito, pakifill-upan lang ang comment for sa baba.
Pangasinan
Dentist in Urdaneta
Pangasinan Dentist
Dentist in Balungao
Dentist in Umingan
how about po d2 s rizal? may alam po kau na magaling na dentist? need to extract na po kc ung wisdom tooth ko, madalas na pong sumakit at swolen pa. may decay na din po kc, at mukhang impacted. yun po sanang dentist n malapit lng sa tanay to morong rizal. and yun din po sana nag aaccept ng medicard. heheh. thanks po.
Wala pa eh. 🙂
tanong ko lng po..ung wisdom tooth ko sa right sa baba tanggal na pero ung wisdom tooth ko na nsa taas patubo plng pero tatanggalin na ung brace ko sa sep 22 khit d pa natatanggal ung wisdom tooth ko sa taas..maaari po bng magulo ulit ung allignment ng ngipin ko? ano po ba ang solusyon.?
Yes. Possible. Naniniwala ako na dapat tinatanggal ang wisdom teeth sa orthodontic treatment. Pero meron din namang hindi naniniwala. 🙂
Doc, nag-iimplant po ba kayo?bale missing po ung two front teeth ko eh, naka 4-unit fixed bridge lang po ako… plan ko po ipa-implant ung two missing teeth… sabi po ng dentist na pinuntahan ko eh need ko din ng bone graft… magkano po lahat aabutin pag sa inyo doc, bale po two implants, 4crowns at bone graft po… ang mahal po kasi dun sa pinunthan ko,, baka mas affordable po sa inyo or kung may irerecommend po kayo, plssss.
Oo, nagiimplant ako. HIndi ko masabi hangga’t hindi ko nakikita ang x ray at bibig mo. Hindi yan parang sa barbero, na lahat ng gupit, matanda, bata at sa gitna ay P50.
Bigyan mo ako ng X-Ray at photo ng bibig mo.Smile, tapos macro.sa cam. Send mo sa FB via PM.
sir magkano po ang down sa braces..
Mura lang. 🙂
Hi Doc. Ask ko lang po nagpa DENTURE ako last 2007, (not sure if denture tawag dun, basta ung 6 front teeth ko po parang ninipisan, then nilagyan ng bagong ipin lahat, tas may parang cement pong nilagay para kumabit sakin ung bagong ipin na nilagay nila) e ngayon po parang nag hihiwalay ung dalawa sa, nagkakaron ng space, kailangan ko na bang papalitan to? And pwede po bang magpa implant ako? Ang panget po kasi ng pagkakagawa sakin, malalaki yung nagawang ipin. Pag pinapalitan ko naman to, pwede po bang liitan pa?
Kapag ang inilagay sa bibig ng tao ay tumatayo at nagpapafunction bilang ngipin, ito ay tinatawag na denture. Kahit ang crown, denture pa ding maituturing.
Ang tawag sa inilagay sayo ay malamang na crowns. Ilan ba ang missing na ngipin mo? Papalitan lang malamang ang crowns mo. Naghihiwalay ang crowns mo dahil maaaring, may missing tooth/teeth ka sa posterior or may kanser or spartan ka. Kung gusto mo, magsend ka ng photo through FB. Kung minsan nagpapakilala ako at tumatanggap ng patient galing dito sa website. 🙂
Porcelein po ata tawag nila dito..
Malaki anng posibilidad na ganito ang tinutukoy mo. : http://www.dentures.com.ph/porcelain-fused-to-metal-dental-crown/
Ano pong email add ng FB nyo? Issend ko po sainyo pictures. Oo madami nga po akong kulang, pag naka crowns ba pwede pa din magpabraces? And is it possible na maipabago ko tong akin at paliitan?
May dalawang option ka. Magpa-orthodontic treatment tapos prosthodontic treatment o kaya, prosthdontic treatment lang. Siyempre possible ang lahat basta may pambayad ka sa procedure na gusto mo.
ANG FB ko ay nakalink sa taas. Ganun din ang Google plus ko. 🙂
Madagdagan nga itong recommended dentists. 🙂
How do I list my clinic in this website?
Send me a message in FB.
hello,,
ask ko lang po kung mga magkano ang pagpapa-pasta ngayon ng ngipin sa harap. kahit yung range lang po ng fees. Maraming salamat po.
P1,000 pataas.
Hi Doc,
Ganda ng website nyo. Tanung ko lang po. Meron po ba kayong kilalang dentist dito sa Batangas?
Salamat.
Wala akong kilalang dentist diyan. Maganda din ang website mo kaya lang hindi ko maopen.
magkano po magpa bunot ng ipin doc?
Mura lang.
Meron dn po ba d2 sa pampanga? Tnx po.
Wala.
wala pang marikina:(
O eh di yung malapit sa Marikina. 🙂
Hi Doc,
Ask ko lang po kung magkano po fix bridge sa 3 missing teeth? Upper part at magkakatabi po.
Madaming klase ng fixed bridge. Sa material at design madami ding uri. Yung porcelain fused to metal, mga 30 K din aabutin ng presyo ng bridge na mukhang ngipin. Tatlo ang missing kaya dapat tatlo din ang kakapitan. Kaya 6 units yan.
hello po magkano magpabrace ng ngipin ung pang upper lng po..
thanks po
Upper at lower lagi ang braces. Gago na lang ang magkabit sayo ng upper lang. O lower lang.
hi poh dok 🙂 natutuwa ako sa mga sagot muh!! cool na cool hihihi
sana poh ma meet kita in person 😉 ..
tanong kuh lng poh kung bkit pagktapos papastahan ung ngipin nangingitim poh at bumabaho..?
Ipaxray mo para makita ko. Probable na may infection na yang ngipin mo.
good day,
doc, ask ko lang if may gumagawa ba dito sa pinas ng Gingival Grafting using an AlloDerm material? Magkano po ang estimate? per tooth ba o 1 time surgery na?
Soft tissue grafting, sino ang nagdecide na kailangan mo? Dentist mo ba ang nagsabi o ikaw lang? May xray ka na tiyak, isend mo sa FB ko. At photo ng area ng igagraft para makita ko kung indicated nga yan for grafting. Or dentist ka at gustong ikonsulta ang case?
thanks doc for clarifying, may 1 tooth na gum recession po ako at medyo lumalala na, gumagalaw na kasi(3rd tooth from the front), baka lalo lang matangal kaya nag research ako sa internet. balak ko pumunta sa dentist kaya lang di ko alam kung saan at sino ang dapat kong puntahan.
parang grafting na lang ang pag-asa ko eh. may price range po ba kayo nun?
thanks po…
Periodontist ang hanapin mo.
doc, may pag-asa pa ba maayos ang receding gums, lalo na kung medyo malala na? Im on my mid 30s kaya its not age related and i dont smoke. possible because the way i brush my teeth(sawing type), i just learn it recently lang na hindi pala maganda yun, and once a year lang ako ngapupunta sa dentist kapag may yearly medical chk-up na sa office.
thanks po sa pag-sagot.
Kadalasan yung dentist sa office, hindi nachecheck mabuti ang ngipin mo. Kadalasan mura ang bayad sa kanila. At dahil mura ang bayad sa kanila, siyempre nandoon ba ang effort?
Periodontal problem yan. Usually karaniwan sa mga matandang patient sa probinsya. Sa probinsya kasi, karamihan mga cowboy. Bahala na si batman, once lang pumunta sa dentist sa tanang buhay. Madaming dahilan kung bakit nakucompromise ang periodontal health, pero ang pinakaraniwan, hindi nagpapalinis ng ngipin sa dentist.
Pero tandaan mo. Habang may buhay, may pagasa. Pero may katapat na halaga.
Gusto ko po sanang magpadental implant at dental braces.. pwede po ba un? underbite po kase ako..
Yes. Braces muna. After ng ortho treatment saka ka magpaimplant.
doc, meron po bang philippine dentist dito sa kuwait|???? salamat ..
Oo.
hope u reply .. tnx
OKs.
Doc.wala po b kau kilala na dentist pampanga area?
Wala sorry.
Doc. Magkano po ang karaniwang down payment for dental braces?
Depende sa napagusapan niyo ng dentist.
doc, ung isa ko pong ipin nainfection na ,nagpapasta po kasi ako. ang sabi nung dentist nakaapekto daw ung pagbyahe ko papuntang baguio ,ok po bang reason un? ok lang din po bang magpabraces kahit may pustiso kna?? 1 na po kasi napustisuhan sakin.
Pwedeng braces. 1 lang naman ang missing.
mag kano po ang mag pa brace po kong missing ang isan mong tooth sa front………
Depende sa lala ng sungki.
hello! hello! nagkarun po ng periodontal problem ung 4 lower front teeth ko,, nagpatingin ako sa dentist tas sabi nea try muna ipacleaning pero nung inuga nea nauga naman na kaya ipinayo na lang nea na ipabunot na,, kaya eto missing na ung 4 lower front teeth ko,,
im 21 years old at nakadentures po ako ngayon,, nahihirapan talaga ako,, as in,, anhirap ngumuya kase hindi rin maganda ung bite ko,,suggest po nung dentist ko na magpabrace ako para maaus ung malocclusion nito,, ang kaso po hindi ko maintindihan to the highest level kung panu ung gagawin nea,, basta ung naintindihan ko na sinabi nea nakapustiso pa rin daw ako habang may brace??
paano po iyon?? aus lang ba iyon??paano ko lilinisan ung pustiso if ever,, hindi ba nakadikit ung dentures sa braces??,, baka mag accumulate ng mga tirang pagkain sa may dentures ko at magcause pa iyon ng kung anek anek na complication,,
depressing po talaga tong kalagayan ko naun,, lalo na at mahilig akong kumain dati,, ngayon isang pandesal na lang sa umaga ang nakakain ko at panoodles noodles na lang sa tanghali o gabi.. andami ko ng ipinayat.. iniyakan ko nga din po tong kalagayan ko nung 3rd day na may dentures ako kasi di ko makain ung mga gusto kong pagkain,, di na din ako masyadong kumakain sa labas dahil sa hirap ngumuya,,
ngayon tulaley lang po ako sa mga kaganapan sa aking buhay,, iniisip kung itutuloy ung pagpapabrace,, panu po ba doc?? ano ang dapat kong gawin?? helpapips naman 🙁
Repapips, ganito ang pwedeng gawin. Since may periodontal problem ka, dapat masigurong solve na ang periodontal problem mo. Magpa-panoramic x ray ka. Send mo sa FB ko para makita ko. Yung x ray, gagamitin din ng magbibraces sayo. Hindi ka pwedeng ibraces habang nandiyan pa ang periodontal problem mo.
Malamang nagbabasa ng Ask the Dentist ang dentist mo. Sad to say, hindi ko pinopost ang approach kung paano ibraces ang may pustiso. Dahil ang website na ito ay ginawa ko more on para sa pasyente. Hindi sa dentist. Kasi kung para sa dentist ito, malamang magtuturo na lang ako sa University of the East o kaya sa Centro Escolar University. Pero ang masasabi ko lang, kahit may bungi ka, oo pwedeng magbraces.
Doc, may marerecommend po ba kayo dito sa Cavite? Ung affordable po sana at may magandang payment plan. Thanks.
Hanapin mo ang malapit sayo: http://www.askthedentist.tv/clinics/
Meron ka bang nirerecomend na dentist sa bandang espana?
Wala eh. Pag meron na, ia-update ko itong list.
tanong ko lng po..pano po kung nagka nana po ung xa lower wisdom tooth anu po ung way n pwdeng gwin?mgkano ipabunot?
Usually 5 thousand pesos pataas.
Updated on July 1 2013. 🙂
doc..gud pm masakit po ba magpapasta ng ngipin s harap? first time ko po kc..
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
Good morning! Doc, dapat ho bang wag ipabunot yung ipin kahit na pudpod na if you have plans na magpaimplant? Yun ho ang ginawa ko ngayon pero di pa ako nakakapagkonsulta sa dentist re dental implant procedure. Salamat ho.
Ipa-x-ray mo at isend through FB.
Doc,ask ko lang,4 na ngipin sa harap ang nka jacket sakin,magkanoi magagastos ko pag papalitan ko ito?
Depende sa klase ng crowns. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
hi doc, meron po ba kayong recommended dentist sa cavite – imus area? thanks!
Wala.
Doc sa Lucena City, Quezon po meron po ba kayo marecommend?
Wala.
hi doc.. 5 yrs na po akong nag fofalse teeth ,5 po lahat na ngipin ko ang false teeth sa harapan po..tanung ko lang po kung anu po ba maganda gawin parang ayaw ko na po yung dentures me ibang choices pa po ba?? at pwede po ba mkabitan ng retainer ang dentures , if ever?
?
Dental implants. At bridge. Medyo sugal nga lang kasi mahaba na yan.
ask ko lang po kung kasama ba sa braces package ang cleaning at kung yung bang mga wires na gagamitin for adjustment (if needed) eh included na?
Depende sa napagusapan niyo ng dentist. Madalas hindi kasama ang cleaning sa price.
Doc,yong mga premolar ko up and down right side eh nabunot na po. I consulted another Dentist kasi noong nagpa advice ako dati sabi flexible false teeth daw. Tas noong nagpa advice ako sayo dito sabi mo indi daw advisable yon kaya hindi na ako tumuloy and checked another Dentist. Yong katabi ng premolar ko sa taas umikot na siya at sabi sa ng nauna Dentist kailangan e braces daw muna bago false teeth. But when I checked another Dentist,ang sabi ko wala pa kasi akong budget for braces at baka pwede yong down lang muna ipa false teeth kasi indi pa umikot yong katabi ipin. Sabi niya pwede naman daw pareho lagyan ng pustiso by using this DURACETAL na false teeth. Ok po ba ito Doc?tig iisa lang naman kasi kailangan ng pustiso. Need your advice again before pursuing another decision. It helps a lot.Thanks.
Tagasaan ka ba? PM mo ako sa FB.
Doc may alam ba kayo sa bandang San juan city?
see this page: http://www.askthedentist.tv/clinics/
hi Doc,
any recommendation from General Santos City?
Wala.
mga magkano po pa brace pag ung lower teeth po ung nasa labas? bali po baliktad?
Send ka ng panoramic x ray.
hi doc, tanong ko lang po, may marerecommend po ba kayong orthodental sa taguig? usling usli kasi teeth ko.
Wala.
hi doc,my marerecommend po ba kayo na dental clinic.kasi dito po kasi ako na assign ng work sa roxas, isabela
Wala.
Hello, tanong ko lang po, around 14 years ago, nagkaroon po ako ng accident at nasira po yung isang permanent teeth ko sa harap. Kung sakali po, magkano kaya ang possible price range ng murang fixed denture / bridge (kung tama ako ng terms na ginamit). I’m located in Cavite. Thanks :3
Ilan ang bungi? Ito ang pinakamura: costdentures.com/fixed/pfmb/
Hi Doc! May ma-rerecommend po kayo dentist sa Makati Medical Plaza for final restoration ng tooth na ni root canal? Hindi na kasi ako masingit ng dentista ko sa schedule nya eh.. Salamat po ng marami! 😀
Wala.
Dr. Raquel Guerrero. Hindi ko lang alam kung meron sila sa Makati Medical. Meron sila sa Makati. Sabihin mo nairecommend siya mula dito.
Hi doc. meron po ba kayong kilalang Dalubhasa dito sa montalban rizal? thank you
Wala.
doc meron pong missing teeth sa front teeth ko po pwede po bang ehh braces yon…at magkano po…thnk po
Yes.
doc isa lng naman po ehh mag kano po…
Oks.
mapapalitan bayon ang missing toth ko doc sa frot kapag nag pa braces ako…
mapapalitan bayon ang missing tooth ko sa front kapag nag pa braces…doc
Yes at no. Hiwalay na bayad yan. Yes kung gusto mo lagyan, at no kung ayaw.
Yes. Hiwalay na bayad yan.
gusto ko po lagyan mag kano po ang bayad doc thank you talaga doc>..
Oks.
doc kung may nana po ang isang ngipin ko sa front ano ba best na treatment…
Ang best na treatment ay RCT na ginawa ngisang dentist.
kong ipabunot ko na lang po doc at ipa fixed bridge mag kano po ang fixed bridge po doc thnk you po .isa lang naman po ang missing tooth po ehhh……
Maraming material ang pwede gamitin sa bridge. Madami ding klase ng bridge. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
mag kano po ang estimate mo lang po doc ang fixed bridge po isa naman lang po ehh…..tanong lang po pwede bang ipapasta po ang ngipin na na infected na po…thank po doc…
Anong klase ng bridge? Madaming klase ng material na pwede sa bridge. Yung pinakaok ang quality ay all porcelain bridge na nagkakahalaga ng 60 thousand pesos pataas para sa isang bungi. http://www.denturesguide.com/acb-cadcam/
Gud noon po…how can i send message…from this website…thanks…
Yan nakapagsend ka na.
..good day, doc.. is it possible to have RCT while havin’ brace? and if yes, pano po tatakpan ung butas ng ngipin? pasta lang po ba? TIA..
Possible.
hi gud pm po im shanelle ask ku lng po kung my pgasa p malinis ung ngipin ku?
Habang may buhay may pagasa.
dok ung ngipin ku po kc mdilaw ang dmi nga po ngssbi n mtibay un compare s white teeth. nung ngpbunot po ku ganun din un pumalit mdilaw din… anu po ung pde mu po isuggest para pumuti nkkhiya din po kc ngumiti .tnx po and god bless
Teeth whitening.
doc mag kano po ba mag oa root canal sa front teeth
5K pataas.
Masakit puba mag ba bunot ng ngipin?
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
bakit hindi po kasali ung clinic? marami na kasing magagandang feedbacks about them, kaya, soon dun po ako mag ppalagay ng braces
Ako ba ikaw? Hehehe! Ikaw ba ang website na ito? Irirekomenda ko ba ang clinic na hindi ko alam ang edukasyon ng dentist?
sa cagayan de oro po? may ma sa suggest po ba kau na dentis?
Wala