Dentures Cost in the Philippines

Glen P McGivney: I have 4 missing teeth sa harap. How much do dentures cost in the Philippines? Advise naman po.

Ask the Dentist Philippines: Hi Glen McGivney. Thanks for asking the dentist! Dentures in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Una dahil sa economy, ibinabagay ang presyo sa kakayahan ng tao na makabili. Pangalawa, may mga steps na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo. Madami pang ibang rason.

Sa Cost of Dentures, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, ilan ba ang missing? Pangalawa, de-tanggal ba o hindi natatanggal ang gusto mo. Pangatlo, anong paraan ba natin iakakabit, clasp ba o attachment. Pangapat, anong materyales ang gagamitin natin. Panglima, specialization ng dentist na gagawa ng dentures. Pang-anim, ilang dentist ang gagawa ng dentures. Pampito, saan gagawin ang dentures, sa syudad ba o probinsya? Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Dentures Cost.

Walang fixed price sa dentures. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang prosthodontic treatment. Iba iba ding materyales.

Madami option sa dentures, depende din sa budget mo at sa kung ano ang kailangan na treatment sa iyong kaso. Ang medyo bago-bago ngayon ay ang dental implants. Ito ay poste na ibabaon sa buto mo para mapagkabitan ng dentures. Medyo may kamahalan ito pero syempe the cost of implants in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dentures and dental implants.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality dentures. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan.

Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dentures Cost bisitahin ang mga website na ito:

For free dentures consultation, visit Dentures Quezon City.

Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

529 thoughts on “Dentures Cost in the Philippines”

  1. Hi Dok! im 43 year old and I have a fixed bridge for 12 years… last year, mga September eh natanggal siya nang nagsisipilyo ako one morning… ipinakabit ko uli… tapos nung December eh natanggal na naman. Ipinakabit ko uli… ngayong January 2012, habang tina-type ko itong message ko sa inyo ay umuuga na naman ang dentures ko at parang matatanggal anytime. Nag-iingat nga ako sa pagkain. Bakit kaya ganito at mabilis na siyang matanggal? im planning now to have a removable dentures. Ang mahal kasi ng bayad sa pagpapakabit pa lang. 800 lagi dahil apat daw ang kabitan. salamat po sa espasyo!

  2. Base sa studies, 7 – 14 years ang itinatagal ng porcelain fused to metal fixed bridge. Pero pagdating ng 5 years, bagsak na ang esthetics nito. Usually, namumuti.

    Papalitan mo na yang fixed bridge mo. Punta ka sa dental school, para mapapalitan mo ng mura. Yun nga lang, medyo matagal ang pagkagawa niyan sa school kasi sinisiguro nilang tama ang bridge na gagawin. Maproseso sa school pero tama at mura.

    Huwag kang magpapagawa ng acrylic bridge ha? Unless maton ka o taong grasa, pupuwede. Pero kung normal na tao ka lang, ceramic or metal cermic fxied bridge ang ipagawa mo.

  3. Magandang araw po,
    Ask ko lang po nagpa root canal at nagpapasta ako year 2004 po,nagkacrack n po ngaun ung pasta ng ngipin ko.Balak ko pong ipabunot na lng po ang ngipin ko at magpapustiso.Ask ko lng po after pong mabunot ang ngipin ilang days po ba bago masukatan at magamit ang pustiso?Maraming salamat po God bless at more powers po.
    Benjie

  4. Papalitan mo yung pasta. Kung hindi na possible, ipacrown mo. Depende sa sitwasyon, kung ano ang dapat gawin diyan. Pero hangga’t maari, huwag mong ipabunot. Ganun din ang magagastos mo kapag nagpapustiso ka. Habang buhay, gagastos ka sa pustiso, kapag pustiso na yan. At magsisisi ka dahil iba pa din ang ngipin sa pustiso. Ipapaliwanag ko kung bakit next time.

  5. Good day. Ask ko lang po how much and paano gagawin sa case ko po. Yung both sides po kasi ng upper teeth ko wala na po parehong ngipin sa magkabilang gilid. Nakoconscious na po kasi ako pag nagismile kasi nakauwang po yun space, kitang-kita. Pwede po kaya malagyan ng fixed bridge yun? Yun sa right side ko po kasi meron pa pong isang tooth na nakahiwalay na ok pa po. Yung sa left ko naman po na side ng upper mouth eh wala na po akong ngipin, pwede po kaya palagyan ng isang tooth na fixed bridge po yun? Para lang po mafillan yung space na walang tooth. Please advise po. Pati po yung cost. I’ll wait for your reply po. Thanks po.

    1. Pwedeng pwede. May kamahalan lagi kapag sa anterior. Yung cost is 5 thousand pesos (pataas) per unit ng porcelain fused to metal bridge. Kung may isang missing tooth ka, ibig sabihin 3 units, kaya ang cost niyan is 15 thousand pesos.

  6. good day. i just want to ask kung ano po yung gagawin sa teeth ko. kasi may cavity po ako sa 2 front teeth pero yung isa po napa-pastahan ko na po last last year tapos noon po sinabi na po na malalim na and yung isa po sa dalawang teeth ay nung pinastahan ay nakakangilo na po. tapos ngayun po anlaki na po nung cavity and onti onti na po siang nabubutas. maitim na po yung tooth kong iyon pero di pa rin po butas. (sa gitna po yung butas nung 2 front teeth pero dahil po pinastahan yung isang tooth isa nalang).
    ano po bang dapat gawin? iniisip ko pong mag dentures or bridge po. pero kaka 15 years old ko pa lang po. applicable po ba sia? saka tinanong ko na rin po kung pwede yung jacket hindi daw po kasi sa may malapit daw po sa root.and mga magkano po iyon?
    thank you po sa maiaadvice nio po 🙂

    1. Base sa description mo ay root canal treatment ang dapat gawin diyan.
      Ito yung mga dating tanong at sagot, pakibasa na lang:
      RCT
      Root Canal Treatment

      Pwede ang dentures or bridge, depende sa sitwasyon at kundisyon ng mga ngipin at bibig mo. I like mo yung FB page ng website. Tapos send ka ng photo through PM para makita ko itsura.

  7. Good pm po. Sabi po kasi ng dentist ko, pag ipapa-fixed bridge ko po itong ngipin ko, (sampu kasi eh), it will cost 40,000. Here in Tuguegarao City, Cagayan Valley ko po ito ipapagawa. Mahal na po ba yun o talagang ganun yung price? Isang dentist lang po siguro yung gagawa.

  8. tanung q lng po pwede po ba mag pakabit ng brace kht my 2 aq denture sa taas gus2 q po kc pakabit ng brace sna pwede tnx po

  9. Good day! Pa advice naman po. Yung left molar ko po kasi is sumasakit, actually swollen na yung gums. Im taking antibiotics now kaya medyo nagsubside yung swelling. Meron po sya filling. If il have it extacted ok lang po kaya? Or il just wait awhile and go home ( im currently out of the country po kasi) and have a rootcanal treatment? Hindi na po kaya sya mag swell and sasakit ng todo? Previously po kasi i wore braces kaya medyo alangan ako ipa extact. Ano po kaya ang mas ok na gawin? Thanks much!

  10. may anim po akong fixed bridge sa harapan ngayon po sa gilid po ng ngipin ko sa may upper may dalawang bungi sa left and right puede po kayang palagyan ng pustiso kahit fixed bridge sa harap para lang po makamura dahil po mahal ang fix bridge o puede rin po syang i fix bridge kahit hindi magkadugtong sa harap at sa gilid ano po ba dapat gawin

  11. Hi, wala po ako isang ngipin sa may right side po kaya kapag ngumiti kita sya. i checked with a dentist po and sabi saken kelangan daw 2 units lang ang ikakabit for 1 missing tooth. nabasa ko po sa thread dito na for 1 missing tooth kelangan 3 units. Please advise po. Thanks.

    1. Ideally, 3 dapat. Kung ibibase sa Ante’s Law, 2 abutments dapat . Pero kung ikaw nagtitipid, kung minsan sumusugal ang dentist sa mga bagay na nagpapababa ng price tulad ng cantilever bridge. http://www.dentures.com.ph/cantilever-dental-bridge/ . Pero sa paglipas ng panahon, mababarag ang kinakapitan na ngipin dahil sa rotational forces lalo na’t hindi nakapagestablish ang dentist mo ng contact point sa tabi ng pontic.

      Taga-Manila ka ba? I’ll check if you want, or send photo through my FB account (PM mo). 🙂

      1. Hi,

        thanks for the reply. nagtaka din kasi ako since i visited 2 dentists already. pareho recommended 3 units tlga. but its expensive kc they are charging me 10k each unit. Then a friend recommended her dentist and maybe she was made aware na medyo gusto ko tlga makatipid. Pero ayoko naman sana makamura yet in the long run magkaka problema din lng. I think she said it’s 6k per unit ang bigay nya po saken. So ang concern ko now is which one po tlga is tried and tested or better, yung 2 units or 3 units?

        Can i ask for your facebook email po then i can pm the pic.

        Thanks much for the reply po.

  12. Hi Doc, may pasta po ung dalawang ngipin ko sa harap.. kaso maski ung pangatlong ngipin po eh medyo may sira na din. Yung pasta ko po eh medyo matagal na at halata na.. ano po ba best way para maayos to ng permanente? and magkano po magagastos if ung tatlong ngipin sa harap po papaayos ko? salamat po

    1. Hi marie. There is no permanent restoration na nagi-exist. You can send a photo or xray of your teeth through my FB for a more complete answer. Based on your description, it will be best to have them restored again with composite resin filling (Pasta). Tooth filling is more affordable and more conservative type of restoration compared to dental crowns. Find a dentist who has a background in Esthetic Dentistry or Prosthodontics.

  13. Good day Doc, may TMJ problem po ako, laging nagki-click ung jaw ko pag binubuka ng malaki gaya ng pag-hikab. Isa rin sa sinasabi nilang major factor ng TMJ ko ay ang pag-grind ng ngipin ko pag natutulog. anu po ba ang pwede kong gawin? mejo sumasakit na kasi at hindi na rin pantay ang laki ng panga ko. ng pa check-up na po ako dati at may nagsabi na dahil ito sa denture ko, meron ding nagsabing dahil sa misaligned bites at kailangan ko munang magpa-braces para ma-correct ung bite alignment. Ano po ba ang marapat kong gawin? Salamat po 🙂

  14. gud dayI doc, ang husband ko gustong plitan yung gums ng porcelain dentures nya sa upper. magkano po ba ppalit kapg gums lang, at my chip na yung isa kasi nabagsak, magkano din po paayos nun?.. tnx

  15. gud day!!! doc, ang husband ko gustong plitan yung gums ng porcelain dentures nya sa upper. magkano po ba ppalit kapg gums lang, at my chip na yung isa kasi nabagsak, magkano din po paayos nun?.. tnx
    Reply

  16. Hi, good day!
    Paano po ba ang proceedure (or what should i ask the dentist to do) kasi wla na po akong teeth lahat sa taas. Can you also give me a range of how much its going to cost. Thanks in advance, by the way your site is very helpful. Thanks for taking the time answering our questions.

  17. hi ask ko lang po nagcrack po ksi ung ngipin q sa baba isa lang nmn po un. pero mai missing teeth na rin aq dati pa (2 teeth). worried lng po aq ksi kpag pinabunot ko pa ung ngcrack posible po na maghiwahiwalay na ung ngipin q db? anu po ba pwedeng remedyo dun? tnx poh..

    1. Crack na putol. O crack na lamat? Ipa-x-ray mo. Kung for RCT, ipa-RCT mo. Kung hindi naman invoved ang pulp at crack lang na lamat, ipacrown mo or laminate depende sa extent ng crack..

  18. Ang missing teeth mo ba ay magkakatabi? Paano ang ayos? 3 ang missing mo, dapat 3 din ang ngipin na kakapitan. Kung ikaw ay tsumamba at napunta sa clinic ko, ikaw ay aking sisingilin ng 30 thousand pesos. Bale anim yan na ngipin, 3 ang pontic at 3 abuments, Iyan ay kung porcelain fused to metal bridge ang trip mo. Kung all ceramic fixed bridge ang trip mo, 150 thousand ang sisingilin ko.

    Ito ang mga tinutukoy ko
    Porcelain fused to metal bridge : http://www.dentures.com.ph/fixed-fixed-dental-bridge/
    All porcelain bridge : http://www.denturesguide.com/acb-cadcam/

  19. hi doc asko ko lang po kung anung pede kong gawin kasi yung ngipin ko hindi sya magka dikit upper and lower naging cause sya ng thumb sucking when i was a child mahirap mag pronounce ng letters S kasi po puro hangin lang lumalabas anu po bang dapat gawin sa ngipin ko?

  20. Good Evening Doc! balak ko po mgpabrace up and down, complete po un ngipin ko sa taas. pero s baba s kanan walang isan bagang , s kaliwa po isang bagang at isang maliit n ngipin pero dikit po. panu po un?? ung wire po b pwede iabot sa dulo ng ngipin? salamat po God Bless!:-*

  21. 13 years old plng ako nabubutan na po ako ng 3 ngipin sa harap sa may bandang taas.. ngaun po ay 40 na ako gusto ko pong mgpainplant? mgkano po magagastos ko pag pinagawa ko ung ganon?

  22. Hi dito po ako sa australia now, after ko magpafilling, sumakit na ngipin ko, when i came back sa dentist, shes recommending me to have a root canal for $1200!! Susme! Sabi ko i dont have budget for that, kaya sabi ko tooth extraction na lang pero nanghihinayang sya bunutin kasi ok nmn daw yun pasta at baka reversible pulpitis daw, kung mkakatiis pa daw ako ng two weeks to wait baka di pa lang daw nagsesettle yun filling kasi medyo mataas dahil malalim na, sa upper molar, 2nd from the back.. Feeling ko nmn kasi irreversible pulpitis na to kasi constant dull pain hindi nawawala, im taking pain meds but after 3 hours naguumpisa na nmn ang pain, i even wake up in the middle of the night.. Is it a wise decision po ba na ipabunot ko na and not wait anymore for another week. Kasi i dont think its getting better naman. Pde sana rct pero i dont have budget, ang plan ko pabunot ko na then when i come home sa pinaseh dun magpalagay ng fixed bridge o whatsoever na pde kasi mas mura jan sa tin,or may e i will just leave it na lang na wala anyway di nmn sya kita.. Please help.. Thanks so much.

    1. Masakit na ba yangg ngipin mo bago mo ipinapasta? Halos lahat ng px ganun ang ginagawa. Kapag may masakit na saka lang nakakaalala na may dentist palang nagi-exist sa mundo. Kapag masakit na saka mo ipinapasta, 50% 50%. Pwedeng infected na ang ngipin kaya masakit na. Kapag infection na sa mismong pulp, balewala na ang pasta kasi nasa loob na ang problem. Pwede din namang mababa ang tolerance mo sa pain kaya ramdam mong sakit kahit sensitive lang. Pero tama lang ang ginawa mo na ipinapasta muna dahil kadalasan naman yung sakit na nararamdaman ay hindi sakit dahil sa infection ng pulp. Pwedeng dahil heart broken lang.

      Pero possible din yun na sensitive lang yan dahil sa pagpapasta mismo. Kaya sundin mo ang sinasabi ng dentist mo.

      Kailan ba ang balik mo sa Pinas?

      Bilang dentist na sumasagot sa yo, mas mainam na -cconserve ang ngipin mo. Iba pa din ang natural na ngipin. Iba pa din ang pakiramdam na ipanggkain ang natural na ngipin. Iba pa din ang pakiramdam ng pakikiipaghalikan na walang pustiso. Kaya kung pagpipiliin mo ako, ipa-RCT mo na lang.

      Pero kung ikaw ay tulad ng karamihan sa pasyente at ipinabunot mo, dapat paglagyan mo ng kapalit. Dental implant, bridge or denture. Basta may kapalit. Dahil kapag iyan ay pinabayaan mong walang kapalit diyan magsisimula ang pagcollapse ng dental health mo. Unti unti.

      1. Actually hindi po sya masakit, dati na syang may filling, tinanggal nya yun old filling at saka pinalitan, dun na nagumpisa yung pain..feeling ko naoverdrill nya at natrauma yun pulp ko kasi bka masyado na ding mlalim. Kasi nramdaman ko yun during the procedure. Kasi the other fillings nmn na ginawa nya sa kin eh hindi ako nasaktan eto lang sa last.. Medyo inflamed na din yun gums ko, i dont think na dahil ngsesettle pa lng yun filling, kasi di lng sya basta sensitivity, maski walang stimuli sumasakit, hirap n nga sya icontrol ng pain killers. Lalo na pag sa mainit, rice na mainit o kape grabe yun pain radiating nd lingers for several minutes.. Mga after 2 years pa po ako mkabalik ng pinas.. La ako budget for rct dito ($1200) kaya ipapabunot ko n lng po siguro, bukas ulit ang balik ko sa dentist. Ok lng po ba mag antay ng mga 2 years bago ko mareplace? Kasi plan ko jan sa tin paggawa ng replacement kasi nkakalula ang dentist dito.. How much po implant o fixed bridge sa upper molar sa pinas? Thanks po.

        1. Ikaw ang masusunod. Alam ko ang pakiramdam ng walang panggastos. Working student ako dati. Syempre kung hindi kaya ang pinakamainam na solution, yung next na option ang piliin. Pwede mong hintayin hanggang makabalik ka sa Pinas, pero may magbabago. Gagalaw ang mga ngipin mo papunta sa bungi. Tapos kapag minalas ka, TMD ang kalalabasan. Pwede naman yan ipaayos balang araw basta may pambayad ka sa gagawa. 🙂

          Sa ngayon, 70K pataas ang dental implants. 16 K pataas ang bridge. Yun ay kung gagawing tama at ang procedure na gagawin ay tama.

  23. hi, doc , ang ngipin ko po sobrang deep ang bite minsan sumasakit yung panga may naka pagsabi na mag pa mouth splint daw ako mag kano po ang splint

  24. Hi doc. Andto po ako ngyn s saudi.nag pa brace po ako dto last October 2012. Overbite po kasi ako ska sungki s harap ang dlwang ipin ko. Binunutan din ako ng ipin bgo ako nilagyan ng brace. Ang sbi po ng dentis ko dto 18 months dw oo ang treatment. Ngyon po my plano po akong mag exit s May 2013, ngyn po ndi ko mttpos ang treatment, ang tanong ko po pde ko po bang ipa adjust ito s pinas kht ibang denstis amg nag kabit? Ppayag po kya ang dentist na iadjust ito?Thank you po.

    1. Inform mo ang dentist mo ngayon sa kung ano ang mangyayari. Sa April 2013, hingi ka ng certificate or document na nagsasabing ikaw ay naga-undergo ng orthodotic treatment sa kanya na dahil nga sa ikaw ay babalik na ng Pinas, inirirelease ka niya para ipagpatuloy ng ibang dentist ang orthodontic treatment mo. Syempre dapat bayaran mo yung dentist mo ngayon sa mga dapat bayaran sa kanya, depende sa kung ano ang napagusapan niyo sa treatment mo.

  25. Hi doc. Plano ko sanang mgpa fix bridge. I have 4 missing teeth sa upper front. How much will it cost and wat type of fix bridge u may suggest. Tnx

        1. Kung gusto mo magmukhang ngipin ang bridge mo, 35 K pataas ang magagastos mo. Pero kung gusto mong mukhang hindi ngipin, lower than 35 K. Maghanap ka ng dentist na magaling. Kung nahihirapan ka maghanap, click mo ang recommended clinics na page ko sa taas.

  26. hHi Doc, tanung ko lang po sana kung pwde po ako ipustiso kahit may sungki po ako? bale ung sungki ko po kasi parang umextra lang sa loob. kunyari po ang bilang po ng ngipin ko sa taas is 12, bale yung sa likod ng ngipin kong pang 7 (sa harap na po un,pang bunny) andun po sya. sorry po di ko po xa ma explain pero sana po matulungan nio po ako. SALAMAT po. :))

    1. Base sa photo na naisend mo sa FB, ipapabunot mo yung extra na ngipin mo. Mas oks kung ipapafixed bridge mo. Pero pwede Din namang removable denture. Pwede din ibraces para ibalik yung sungki sa posisyon.

  27. Dok tanong ko lang po. 19 years old pa lang ako pero balak ko na pong ipatanggal lahat ng ngipin ko para palitan ng dentures good idea po ba yun? Naisip ko din po kasi yung dentures dahil po sa lagay ng ngipin ko. Kung braces po kasi ipapalagay ko parang hindi maayos porblema ko. Malalaki po kasi ngipin ko sa taas at maliliit naman sa baba at yung tubo ng ngipin ko ay slightly palabas sa bibig ko. (ang pangit) I hope for your advice dok

  28. hi magkano po ang pagpapagawa ng false teeth? lahat po sa upper gum ko ive decided po kase na ipabunot na lahat eh .pls reply tnks

  29. dok, sbi nung dentist dito sa amin. di na daw po ako pwding mgbrace dahil sa fix bridge na ngipin ko 🙁 mejo maluwa po ksi ung nalagay na ngipin kya gusto ko sana mgbrace.

  30. Ask ko lang po how much is a titanium or a cheaper metal for a denture? Is it true for a titanium it cost around 8-15k per teeth? Kindly relply thank you and happy new year!

      1. My pustiso napo kasi dati mom ko ngayon mag papagawa po sya ulit ng bago. the dentist giver her an option for a metal and the titanium ganun po ba ka mahal ang titanium denture?

      2. Sabi kasi each of the titanium cost 8k to 15k so is this true? kasi 14 po kasi yun that’s alot, i just want to make sure if they do cost that much. Thank you.

        1. GAnito ang gawin mo Van. Isipin mo muna ang tinutukoy mo. Magdecide ka. Tapos ipaliwanag mo para maintindihan ko. Ano ang gagawin, taas o baba? Ilan ang bungi? Parehong denture ang complete denture at bridge. Kung hindi mo kayang ipaliwanag, send ka ng photo ng pustiso ng nanay mo.

        2. Mukhang mali lang ang dinig mo sa dentist. Dahil nabanggit niya ang presyo, at sobrang gulat mo, yun lang ang nadinig mo. Madalas kapag nagulat ang patient sa presyo, yun lang ang nadinig at natandaan ng patient. Kahit ano ang ginawang paliwanag ng dentist, presyo lang ang naaalala ng patient dahil sa pagkashock.
          – Kung yung sa upper complete denture yan, hindi mo na kailangan ng metal.
          – Kung yung sa bridge yan, baka yung tilite ang tinutukoy mo. Oo, tama lang ang presyo. Sa tilite bridge, 10K pataas per unit ang presyo niyan kapag ako ang gumawa.

  31. dok , isa lang po ung nafix brige na ngipin ko, upper, sa mismong harap, pwd po ba ibrace un?? wala pa po kse ung xray

    1. Dahil wala kang x ray. Base sa bola ni madam Auring, pwede. Base sa pagkakalinya ng mga bituin ngayon, pwedeng yang ibrace. Base sa senyales at pagkakasunod sunod ng poste na binilang ko kanina, pwedeng ibrace yan. Tandaan mo alex, habang may buhay may pagasa. 🙂

  32. Hi po! My problem is my lower fixed bridge. Before i had my bridge done,i have only 5 teeth left, pero 1 tooth po is gumagalaw na (pangil po). The dentist (who was just referred to me) said, wag na daw po extract yung gumagalaw para dagdag daw po sa support. So he included that in the bridge. After a year, nag crack ang bridge sa part ng gumagalaw kong tooth, now that is my big problem. I guess I will have my fixed bridge done again, but I will have to have “that tooth” extracted na po. My question is: will 4 teeth be enough to hold a fixed bridge sa lower portion ko po? If after I had the pangil extracted, can I have an immediate implant to replace it while it is open?

    1. Interesting. Litratuhan mo nga or ipa-x-ray mo. Panoramic x ray.

      Hindi yan dapat nafixed bridge noong una pa man. Ang pagpapafixed bridge muli sa apat na ngipin ay suicide. Kung sinuman ang ang magfixed bridge sayo sa kalagayan mong yan ay hindi nagiisip para sa kapakanan mo.

      Sa case na ganyan, unang dapat makita kung may sapat pang buto na humahawak sa natitira mong mga ngipin. Sa xray makikita. Tanggalin ang bridge, ayusin ang perio problem. Kapag healthy na ang perio, gawan ng individual crowns. Pagkatapos mailagay ang crowns, gagawan ka ng 1 piece casting na removable denture at gagawing abutments ang ngipin mong may jacket crowns. Hindi na fixed bridge, oks?

      Pero kung may balak kang magpaimplants, pwede ang bridge bilang prosthodontic component ng implants mo. Malaki ang magagastos mo depende sa pagkakalayo layo ng ngipin mong natira. Ang ginagawa diyan, ibi-bridge ang ngipin sa ngipin. Ibibridge ang implant sa implant.

      Yung iniisip mong papalitan ng implant ang isang ngipin at ibridge ulit, hindi possible. Dahil hindi binibridge ang ngipin sa implant. Dahil kapag ginawa mo yun, yang mga ngipin mo ang bibigay at tiyak na mabubungi.

    2. Bakit nga ba nabiyak. Isipin mo isang tulay. Sampung kilometro ang haba. Sinusuportahan ng dalawang poste, tapos gumagalaw pa ang isa. May dumaang 10 wheeler truck.

      Ikumpara mo sa bridge mo (bilang tulay), sinusuportahan ng ilang ngipin (poste) gumagalaw pa ang isa, ipinanguya mo sa karne (10 wheeler truck). Bumigay ang tulay, bmigay ang gumagalaw na poste. Matigas ang ulo mo, ginawan mo ulit ng tulay sa ibabaw ng mga natirang poste. Sa tingin mo anong mangyayari?

  33. thank you so much for your advise, please email me your number, i might consider going to your clinic 1 of these days. do i need to set an appointment?

  34. I never realized the dentist i’ve trusted did not use what he should have learned in school. or maybe he did not have enough knowledge & experience in this concern. in the 1st place, he shouldn’t have decided on a fixed bridge at our 1st meeting. he should have thought of seeking for better advise from his colleagues. too bad for me to spend for “NOTHING” or “GARBAGE” masterpiece.

  35. Dok nagparootcanal po ako then natanggal tapos nagpapasta po ulit akothen natanggal tapos po nagpacheck po ako sa dentist sa school namin sabi niya ndi na daw pede ipasta and jacket so sabi niya yung bridge na labg yung pagasa. yun na lang po ba talaga ang choice . and pede po bigyn niyo po ako ng idea magkano po magpaganun?? salamat po

  36. Hi Doc!
    Balak ko po kasing magpabraces for my underbite. Lumala lang ng lumala since nagdentures ako 12 years ago pa. Tapos may spaces na rin yung mga ngipin ko sa baba. So, dentures yung 4 anterior frontal teeth ko and balak ko sanang magpapalit muna before magpabraces kasi cracked na din yung sa gum line. Ok lang po ba na temporary muna (as in yung pinakamura) na dentures and ipagawa ko then after ko na lang magbraces ako magpapagawa ng fixed bridge (or implant kung kaya ko na by that time?) Salamat! 🙂

  37. gudeve po doc,
    itatanong ko lang po kung magkano magpabunot ngayon? kasi sumasakit po yng ngipin ng boyfriend ko kasi may butas po, itatanong ko lang po kung magkano kasi balak po niyang ipabunot na lang kesa ipapasta po. thank you po doc.

  38. Hi doc! Ask ko lang po kasi yung Upper canine ko po nasira and nabasag na (1/8 na lang nung ngipin yung natira.) Since pregnant po ako, I’ve been googling kung pwede ko ba ipabunot pero parang hindi e super nakakaconscious gusto ko talagang maremedyuhan yung ichura kahit temporary lang til i give birth. Pwede ko po ba ipabunot and papalitan yung ngipin or meron bang temporary fix? Thanks po!

    1. May mga denture na may design na brace, pero non functioning ang braces design niya. Design lang. Depende sa kung anong klaseng denture at kung ano ang condition ng bibig mo. Hindi naman parang gupit iyan sa barbero na may fixed price na 50 pesos kada gupit. Hindi ganun yun.

  39. Hi doc! I’m a call center agent and i have a biiiiiiiig tooth problem, i have to remove most of my teeth since sobrang hilig ko sa sweets, now i have to remove all of my 3rd molars and 2 canine tooth in the upper part, now po im good with speaking pero po since mahirap mag enunciate ng words kasi nga may air na tumatakas. gusto ko po magpa dentures for temporary solution muna, and konti kontiin yung pagpapabunot is that possible doc?

  40. hi doc.. ask ko lng po if pwede po ipabunot ang ngipin kahit hindi p sira. may 4 na ngipin po kc ako pustiso tapos sira na ung katabi pero ung iba hindi pa.. gusto sana ipa dentures n lng lahat pra maayos tingnan. thanks po..

  41. doc, magkano po yung pinakamurang dental braces? yung pang upper lang po, may siwang po kasi sa gitna yung ngipin ko sa harap eh..

  42. Hi doc, I’m 24 and suffering from severe jaw pain. Halos hindi na ako makatulog sa gabi, hindi na rin makakain ng maayos dahil sobrang sakit mag-chew and napapaiyak talaga ko sa sobrang sakit ng panga ko kasama pa yung sa may bandang tenga at leeg. I also have an overbite since elementary. Dati maliit lang ang gap ngayon umabot na sa 1.5cm. Natatakot po ako kasi po baka po kasi may TMD na ako at baka kailangan na ng surgery.

  43. May sinasabi po kasi yung dentista ko na lalagyan daw ng screw yung ngipin ko kasi para daw hindi na matanggal. Same lang po ba yun sa implant?? Nakajacket po ako ngayon.

    1. Hindi yun same sa implant. Post yun malamang. Yung screw type na post ay hindi ko na ginagamit personally, Delikado sa ngipin ang screw type na post.

      Ang post and core na dinidescribe mo ay ginagamit lang sa na-RCT na ngipin. Kung alam mong hindi naman na-RCT ang ngipin mo at ginamitan ka ng screw, magpalit ka ng dentist.

  44. magandang gabi po dok. maaari po bang itanong kung magkano magpaayos ng denture, chipped na po kasi ung harap kasi nabagsak.. sa upper po ito..achaka po may natira pa po akong isang ipin dun po sa taas kasi sabi po dati ng dentist ko yon daw po ay para may pwersa daw po pag kakain ako..ngayon po kailangan na po ulit atang ipapasta ung natirang ipin, maaari po bang ipadugtong na din un sa denture sakali man po at ipagawa ko po..mga magkano po kaya iyon..

    1. Kung magkano ay depende sa kung anong uri ng pustiso, extent ng sira, kakumplikaduhan ng kaso, specialization ng dentist at lokasyon ng dentist. Kahit idescribe mo yan sa akin, nakadepende pa din sa napili mong dentist na gagawa.

  45. pwede po bng patulugin ako pag magpapafixed bridge? kc po takot po tlaga aq n mramdam ko ung sakit…kahit po my anesthesia ramdam ko p rin po..pwede po b un ntutulog hbang ngpapafixed bridge…sana nman po mron..kc po bka mahimatay aq…tnx..

  46. Doc may itatanong lang ako base sa case ko ngayon meron pong problima yong lateral incesor sa itaas, nag ka pasta po ito nong october last year, nong december medyo nag ka problima po kasi biglang namamaga yong gums ko at yong right face ko parang chipmonk at sumasakit po siya. until now may pamamaga talaga sa gums at hindi ako maka pag smile ng maayos kasi masakit pag nagalaw ko yong lips sa itaas. ano bang pweding solution nito…kung RCT namn madali lang ba to at mag kano namn kaya ang prisyo. yong dentist ko dati na siyang nag lagay ng fillings gusto niya e pa bunot nalang..at gawan ng pusteso. medyo po immediate yong need ko dito doc kasi aalis ako next week sa ibang bansa i think monday.

      1. Doc Morning Kapag RCT ang processo..diba masakit kasi na sa harap po at nag si swelling ngayon…pag RCT mga ilang session poyan kasi sabi nang dentist sakin 3 days daw yong processo at saka need pa bayan ma x-ray? pag RCT mag kano kaya yan doc?

  47. Yow Doc! May problem po ako sa upper frontal teeth ko

    Info para di na kayo mahirapan
    Age: 18
    Location: Makati/Laguna/Batangas

    1) Right canine – OK
    2) Incisor1 – OK
    3) Incisor2 – May cavity sa likod. Pinapastahan 2 years ago. Naayos. Ngayon nagiiba na ulit ang kulay.
    4) Incisor3 – OK
    5) Incisor4 – Maliit kumpara sa ibang incisors (in terms of length and width). Nagmukha ng sungki.
    6) Left canine – Mas maliit kesa sa right canine (in terms of length and width). Parang ito pa yung sinaunang primary tooth ko 😀
    ______________________________________________________

    Kasaysayan…

    – Si Incisor4 ay natanggal nung toddler pa lang po ako.
    – Matagal bago tumubo
    – Nagsipag-urungan tuloy sila incisor 1, 2 at 3
    – Tumubo si Incisor 4 kaso wala ng enough space
    – Nahiya na ata at di na lumaki, mukha nalang sungki 😀

    ______________________________________________________

    Nahihirapan po akong ngumiti, laging pigil.
    Tanong lang Doc…

    1) Since di sila pantay-pantay (dahil nga nahiya si incisor4 at nagpakabata na ng tuluyan si left canine), pwede pa rin po ba to ipa-brace? (Di ba parang ang chaka?)
    2) Kung ipapabrace po, lalagyan pa po ba ng jacket or any filler para magmukha silang magkakasize?

    3) Kung di po brace, ano pa po ang ibang options?
    4) Kung magpabridge kaya ko Doc, what do you think. Keri?
    5) Ska Doc, magkano aabutin? Kahit anong materials na aabot ng kahit 5years manlang. Hehe. (Tas ska na papermanent pag nakaipon na!)

    ______________________________________________________

    Ska kung kayo gagawa, may discount? :)) Joke.

    1. 1. Ipa brace mo.
      2. Picture-an mo para makita ko send sa FB, at para malaman natin kung anong kailangan gawin tungkol sa size.
      3. Option para? Ano ang mithiin mo? ANo bang pangarap mo tungkol sa ngipin mo?
      4. Mas mapapamahal ka sa bridge lalo na’t hindi magaling sa prosthodotics ang dentist mo.
      5. Masyadong malawak ang option mo, hindi ko malaman kung magkano. Malamang na braces lang yan, kaya ang presyo ng braces ang tanungin mo sa dentist mo. Walang permanent na bagay sa mundo.

  48. Hi Doc ! Masyado po kaseng malaki yung 2 front teeth ko kaya yung lateral incisor nawalan na sila ng space kaya umantras yung dalawang ngipin. I was planning to have my braces this summer kaso parang nagbago isip ko sabe kase ng dentist ko kaylangan daw bunutin yung 2 canine sa upper. Eh natatakot po ko kase malaki yung ngipin na yun tapos dalawa pa silang bubunutin. Wala po bang ibang alternative ? Kunyare po sa ibang part na lang ng upper teeth ko yung bunutin para magkaron ng space ? wag lang talaga sa harap natatakot po kasi ako eh

  49. HI SIR, ask ko lng poh kc ngpabarace aq after 3 years yung 2 frontal teeth ko po ay pinasthan dhil may maliit na sira, after mwla ang braces ko ng d sinasadya na ngkabutas yung frontal teeh ko pero sobrang liit , wala syang sira pero may hangin ako nararamdaman every time na parang sinisipsip ko, mejo ngkbutas xa dhil n rin siguro sa paggmit ko ng toothpick, d nmn xa mxdong hlata pah, but i feel insecure kc d n xa kgya ng dte, ano poh bah mgandang gwen d2, ipa pasta ko ulit xa or hyaan ko n lng kc maliit lng nmn xa..thank you poh 🙂

  50. Hello doc, balak ko po sana ipatanggal yong fixed bridge ko kc di ko matake yong sakit.Ilang beses na rin akong nag paroot canal ayoko na,kc nakakaramdam ako ng sakit habang niroot canal.Gusto ko po sana ipapustiso na lang kung puwede na di na kailangan bunutin ung pinagkabitan ng fixed bridge ko.One more question doc, mga magkano kaya magagastos ko if ever na pwede.Thanks..

  51. bale po sa harap po apat tpos sa left pangil then bungi nnman po bale po 5 ipin po pla kulang gus2 ko po ipafix bridge… help me nmn po

  52. hi Doc, thanks for answering our questions patiently and professionally. I am wearing a removable partial dentures and now maluwag na after 8 years, i want to have it fixed para hindi tintanggal but i read some cons abt it kaya i’m i postphoned it. Then someone told me about telescopic crown, how much does it cost? 4 po ang bunge ko infront.

      1. doc,

        tnung ko lang po anu maganda gawin sa upper two front teeth ko,twice na po napapastahan at ngaun sira na ulit,nangingitim na po,at lagi po mbilis masira pasta na gngawa,gnu po ba ktgal mgpagawa ng bridge?

  53. hello dok wala na yong dalawa kong ngipin sa bagang pero may natira pang isang ngipin sa dulo na may pasta sa babang bagang po pwede pa po ba pa fix bridge yon kahit na yong dalawang teeth na naaalang sabi ko ay natanggal na 20 years ago pa??? ilang ngpin pong gagawing kabitan non? saka magkano po kaya magagastos??? thank you po

    1. Hindi ko masyadong maintindihan. Pero base sa pagkakaintindi ko, dalawa ang bungi. Kaya dalawa ang kakapitan. YUng pinakabasic, aabutin ng 20 thousand pataas. Bale dalawa ang kakapitan at dalawa ang pontic kaya bale apat na ngipin. 4 x 5 thousand = 20 thousand.

  54. hi doc. i’m glad i found this site. i have few questions po.

    6yrs ago kinabitan ako ng permanent bridge, because i lost my 2 teeth sa may front left side. tapos he shaved 4 additional teeth para maikabit lahat. so my 6 front teeth po bridge po sya.since then masakit po yong isang ngipin ko sa front kasi sabi ng dentist. “let’s kill the root of one of your tooth” so pumayag din ako. it’s been hurting so bad until now po. super tender pa minsan minsan. and underneath po ng bridge, may mga black spots parang metal na scraped.and my bridge teeth are so freaking huge, para po akong si EOR ng winnie the pooh. tapos since then po meron na din akong bad breath because of this bridge.

    1. ano po gagawin ko dito? i want to knock my teeth out. okay lng ba na ipa denture ko na lang to? tapos ipa bunot ko yong na shaved na ngipin?

    2. overbite din kasi po sa taas ang mgangipin ko .. gusto ko sana ipa braces. pero ang alin halos nasira na ngipin ko sa front ng dahil sa bridge..

    my dentist did a sloppy job. 😐 what can you advice and how much do you think it will cost? nasa davao po ako. but pwede po akong mka punta ng manila. help!!!!!!!!!!

    1. Magkatabi ba yung bungi? O magkahiwalay?

      Ang una mong gawin, maghanap ka ng clinic na malinaw ang panoramic x ray. Magpapanoramic x ray ka tapos, isend mo yung photo ng x ray mo sa FB ko.

      Ideally ang gagawin, tatanggalin ang bridge mo. I-roroot canal treatment ang sumasakit. Tapos gagawan ka ng bagong bridge. Mahirap maghanap ng dentist na gumagawa ng bridge na mukhang ngipin. Pero ang magagawa mo, ay magtanong tanong at humingi ng photos ng mga dati nilang gawa. Sa dentist mo ipagawa, oks?

      Pwede ka pang magpabraces. I-PM mo ako sa FB para may clue ka sa mga gagawin sayo. ANg problema mo lang, ang maghanap ng magaling na orthodontist diyan. Mahirap maghanap diyan sa Davao.

  55. Meron po bang magagawa ng 1 week doc? worried lang po kasi ako pag pinatanggal ko yung sirang ngipin ko sa harap thanks po

  56. Hi po ask ko lng po kung ano ang mas maganda dentures ung plastic or porcelain? At magkano po ang 4 na ngipin sa harap at 2 sa may jaw. Magbabakasyon lang po ako sa pinas ng 2 weeks magagawa po ba un within 2 weeks? Thanks

    1. Dentures na removable? Kung removable yan, ang ipagawa mo ay removable partial denture with one piece casting metal framework. Kaya yan ng 2 weeks kung makakapunta punta ka sa dentist.

  57. doc ask ko lang po sana, ung jaw ko kasi everytime kapag inopen ko ung mouth ko ng full gumagawa siya ng “clicking” sound. medyo malakas po yung tunog pero hindi nman po masakit. ask ko lg po if delikado po to. help po, thanks!

      1. pwede ko po ba malaman anong possible problems na maeencounter ko? di ko po kasi na delikado pala to. pls advice po thanks.

  58. hi doc ang dami po ng tooth decay ko upper and lower tas ung front teeth ko sa taas is jacket tapos ung left side ng ngipin ko is wala na ano po kaya pwede pang gawin sa ngipin ko..pede pa po ba ipapasta to?

  59. elow doc ask ko lng po kung pwede ko pa suutin ang luma ko pustiso pasamantala? hindi naman po maluwag. kaxe magpapagawa po ako ng bago pustiso. dahil nagpabunot po aq sa may bagang. ang pustiso ko po luma ay sa harap lng.

        1. Sige. Bili ka ng oversize na tsinelas. Tapos ipatabas mo yung kanan sa size ng paa mo. Hayaan mo yung kaliwa na oversize. Tanong mo sa mate mo kung ok ba ang itsura. Tapos gamitin mo yung tsinelas, maglakad at tumakbo ka. Tanungin mo sa mate mo kung nakakatakbo ka ng maayos.

  60. Good day Doc! Maari po ba na may problem ako sa pagkagat ko kung lagi ko po nakakagat ang gum cheeks ko? Nagninight grinding din po ako, may masamang epekto po ba yun sa ngipin ko at sa pangkalahatang oral care? Thank you po.

  61. Good Day po,Doc anu po bang dapat kong gawin sa ngipin ko?Hindi na po kasi complete yung ngipin ko sa baba. Ang sabi po saken ng isang dentist ay need ko daw po mag pa pustiso para hindi maghiwahiwalay yung ngipin ko. Wala na po bang ibang option kundi magpapustiso?Thanks po.

  62. english respone please, Hi my name is Scott I’m from the US. I am unemployed and living with my filipino wife an RN in Riyadh, Saudi Arabia. I am in need of major lower dental work and it is going to cost us a fortune to repair in Saudi. How much (approximately) would lower dentures cost to do in the Philippines. I am willing to fly.

    1. Depende sa kaso yan brad. Hindi ko masasabi kung magkano hanggat hindi ko nakikita ang suliranin sa iyong bibig at kung ano ano ang mga dapat gawin. Iba iba din ang uri ng pustiso. AT syempre iba iba din ang antas ng husay ng dentista.

  63. Hello po. I have almost 13 years na plastic na crown sa central incisor. medyo pumangit na ang kulay.. parang naging grayish na.. ano po recommend na tatagal na denture @ best look 🙂 ? mgkano po estimated cost? salamat po ng marami..

  64. Zy,

    hi…. goodday! my four tooth infront are gone,, and im saving for tooth implant,, how much it will cause me? are all dentist qualified to do such? thank you

  65. Hi Doc, tanung ko lang po .. pag ung underbite teeth po ba nag pa braces magiging normal teeth na po ba ito ?? .. kasi po ung nakikita ko sa Internet nag papa jaw surgery pa po cla para maging normal teeth na po cla .. salamat po Doc 🙂

  66. hi dok,ask me lang po kasi wala po akong confidence since stage ng teenager until now na engineer na ako. sa pagsesearch ko po diastema po ang problem sa ipin ko. 35 000 po kasi ang price ng braces dito sa province. e can’t afford ko naman dahil freshgrad lang.mahirap po kasi buhay namin. pero may trabaho na ako earning 15k starting.pwede ko po bang ipatanggal ipin ko sa harap tapos palitan ng pustiso,?magkano po kaya ang price, then tama po ba itong binabalak ko? salamat po.

  67. hi doc,gud pm..sumasakit kc yung isang front tooth ko pinapastahan a year ago pa cguro..ngpaplan kung ipa rct..ilang taon po pa ang longevity nito?or kapag ipabunot ko ito anong klase
    ang mainam na pamalit??/

  68. Hello po, posible po ba na ipabraces pa ang dentures kasi po ung mga kaklase ko po tanong sila ng tanong.
    Balak ko po mag pa dentures kasi po ung 4 front teeth ko po e sira na kaya po balak ko rin po ipabunot kaya ano po ba ang bagay sa akin dentures po ba talaga? Ayaw ko rin po kasi ng Pustiso e.Ano po ba ung Bridge? masakit po ba un ipalagay? thank u po

      1. Kahit po kalahati nalang po yung ngipin pwede parin po ipa RCT? Cge po yun nlang po. Tiisin ko nlang po ung sakit 🙁
        Thank u po.

  69. Kasi nanunuod po ako ng mga taong inaRCT eh sabi po nung mga comment masakit daw po. Pero Tiisin ko nalangnpo para sa ikabubuti ko po 🙂

  70. Good afternoon po! Ask ko lang po if papaano gagawin ang dentures if mejo madaming sirang ngipin. (hehe) mga ten po. magkano? tapos, me teeth na kelangan bunutin kasi hindi nakalinya as natural na “order” nga ngipin. thank you po! i find your website very informing taz, aktibo pa kayo sa pagsagot sa katanungan namin. salamat!

Leave a Reply to PristinoCancel reply

%d