RCT, Post at Crown

Janah : hello po, another question po. Based po sa na s-search ko sa internet, yung root canal pwede po na after non mag-lagay ng crown. Eh yung sira ko po kasi sa ngipin sa harapan po, (21,22 po ata yung sabi niya) tapos yung sinabi ko po sa dentist namin na ipapa-pasta ko, sabi niya ipa x ray muna daw tapos doon malalaman kung ipapa rct or hnde. Ahmm ask ko po kung ano po yung parang may nilalagay na screw (o kahit ano pa po yung tawag don), ganon po ba yung ilalagay pagtapos ng rct o i c-crown? Di ko po kasi maintindihan eh. Salamat po.

Ask the Dentist : RCT muna. Tapos crown. Kung wala ng bahagi ng crown after RCT, lalagyan ng poste. Yung poste ang hahawak sa crown. Pero kung meron pang parte ng ngipin na pwedeng kapitan ng crown, hindi na lalagyan ng poste. May mga klase ng poste, metal at fiber post. Yung screw na sinasabi mo, mga pangsinaunang dentist yun. Fiber post na ang nilalagay ngayon. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Janah : Ahh sinauna kasi po ang nangyari po sa ngipin ko, parang yung sinabi kong magpapapasta ako, ang ginawa parang tinanggal ung bulok tapos lumaki po tuloy yung sira. Sabi niya xray daw muna. Mag papa xray po ‘ko this month, tapos babalik sa kanya.

Magkano po ‘yung crowns? kasi po dalawa ang affected eh. Gusto po sana malaman ng parents ko before treatment

Ask the Dentist : Magbrush ka lagi. HIndi magkakaganyan ngipin mo kung nagbabrush ka lagi. Tapos magfloss tuwing gabi. Every 6 months magpalinis ka ng ngipin sa dentist. Papangit ka oras na mabungi ka. May potential ka, nakikita kong maganda ka lalo na kapag nagdalaga ka na. Kapag nabungi ka, pangit na.

Janah : opo nag b-brush na po ‘ko ngayon, dati po kasi nung bata ako over yung kain namin ng candy tuwing gabi di nag b-brush, so ngayun pumangit na talaga. Opo nag f-floss na po ako doc, evry after meal po and night tapos brush. Kaso talagang malaki na yung butas tapos sabi ng dentist na baka daw di na makayanan ng pasta. Sabi ko edi crowns and rct na (kung kailangang rct)

Ask the Dentist : Makikita sa xray kung kailangan iRCT. Litratuhan mo ang x ray nyan send mo dito.

Janah : Sige po salamat po. Masakit po ba mag pa rct?

Ask the Dentist : Hindi. Pag magaling dentist mo, hindi yan masakit.

Janah : Salamat po ulit. Family dentist po kasi eh. Thank you po ulit

Ask the Dentist : Alright.

Fashionable Braces / DIY Braces

Lara Isabel : Doc . Ako po yung nag ask kagabi about sa umuugang ngipin , dhl sa fashionable braces . Last na tanong na doc, may alternative pa po kayang paraan para hndi na umuga ung ngipin ko . After ko ipatanggal to ? Kase po pag ngumunguya ako, nakakagat ko po , mukang lalong umuuga. Thankyou po ulet .

Ask the Dentist : Ang epekto ng DIY Braces at fashionable Braces ay pagkalagas ng ngipin. Mauubos ang ngipin ng nilagyan ng ganitong uri ng kalokohan.

Ang dentist, bago makapaglagay ng Braces, nagaaral ng 9 years. Anim na taon para maging dentist at tatlong taon para maging specialist, bilang orthodontist. Imagine mo na lang kung hindi dentist ang naglagay ng braces.

Kaya dapat mong ipatanggal yang Fashionable Braces mo, yun eh kung ayaw mong maubos yang ngipin mo.

Ask the Dentist : Pagkatanggal ng braces mo, magdidecide ang orthodontist mo kung ano ang dapat gawin. Sa orthodontist ka pumunta at ikuwento mo ang nangyari para alam niya ang gagawin niya. Hanap ka dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/

Lara Isabel : Ok doc thankyou po ng madami..

Braces Marikina

Lenient : hello, po uli:)May question po uli Ako yesterday po kasi my appointment Ako sa dentist ko po, sabi po nila ilalagay po nila yong molar kasi po Hindi mo nila nilagay nun installed nila yong brace next visit ko na daw po yon tapos yong bunot ng ipin ko, binigyan po nila Ako ng amoxicillin good for one week, pag balik ko po kahapon tinanong po Ako nun dentist bakit daw po Ako nandon sabi ko po may sked Ako today pasta bunot and molar. nawala daw po sa isip niya yon po Hindi Nya po Ako binunutan kasi skin test po Nya Ako. parang ang dami nyang excuse nag karoon tuloy po Ako ng feeling na Hindi siya marunong mag bunot ng ipin. yong sa pasta po. actually yong papastahan po sa Harap nakailang turo po Ako Hindi Nya po makita e, madali lang naman po makita yon, iba po yong pinastahan Nya yong feeling ka na wala naman po dapat pastahan, nun tapos na po 2ipin ko yong pinastahan Nya na mukang ok naman po, at Hindi kaylangan ng pasta, tinuro ko po uli yong gusto ko pa pastahan, sabi po Nya yong malapit daw po sa braket Hindi daw po maganda pastahan kasi po mag kakalas pa daw kami ng braces sabi Nya dapat daw po bago I kabit yong braces dapat pinastahan na sabi ko po bakit po Hindi nyo pinastahan bago ikabit yong braces sabi po Nya Hindi pa namn daw po masyado sira, pwede naman daw po Ayusin pag tangal nun braces. e dipoba pag pinatagal lalo lalaki yong dapat pastahan? totoo po ba yong sinabi ng dentist na yon? Hindi na po ba talaga pede pastahan pag na installed na yong braces ayoko pa lumaki yong butas ng ipin ko sa Harap panaman po ano po dapat ko gawin Baka po imbes na maayos teeth ko lalo pa po masira sorry po Kung pang maalaala mo kaya yong haba ng message ko sobrang na stress na po Ako sa ipin ko e.

Ask the Dentist : Pwedeng pastahan. Madali lang. Send ka nga ng photo niyang sinasabi mo.

Ask the Dentist : Kung maayos ang dentist mo, sinusulat niya sa record mo ang next na gagawin.

Lenient : hehehe salamat po sige po send ko picture Hindi panaman po siya masyado kita kaso ayoko ko na pong ma obvious at lalo po siyang lumaki wait po

Ask the Dentist : Ipapasta mo. Madali lang yan.

Lenient : Hindi po ba totoo yong sabi ng dentist ko na kaylangan ko pa daw mo kasi ipakalas yong brace ko para mapastahan yan. ayoko na po bumalik don Baka masira pa lalo yong ipin ko, kaso po Baka magalit sila kasi 15k palang po yong na bayad ko e, 35k po yong braces ko. pano po kaya yon? pati pano ko po malalaman Kung ok yong lilipatan ko dentist if ever po na makakalipat ako?

Ask the Dentist : Sa lilipatan mong orthodontist mo ipapasta. Malalaman mong ok yung lilipatan mong dentist kung ayaw ka tanggapin ng walang release sa dati mong dentist.

Lenient : e, pano po Kung ayaw Ako I release nun dentist ko? pati totoo po ba na nakaka rupok ng ipin yong mga mouth wash?

Ask the Dentist : Yun ang problem mo.

Hindi nakakarupok. Andami dami talagang kagaguhan kumakalat na info dito sa internet.

Lenient : hehehe, oo nga po, Sana po I release nila Ako kasi Hindi naman nila Ako kaya asikasuhin ng maayos Sana po wag silang greedy maraming salamat po sa inyo uli god bless po ang bait nyo po kasi.

Ok lang ba wag ipabunot

Mae : hello po !!
ung ipin ko sa baba ang katabi nong wisdom tooth ko nong pinalinisan ko nabutas iwan kusa dentist ko bakit ganon..ngayon ang problema ehh lumaki na sya ng husto gosto ko sana ipa pastahan lng kaya pa kaya ehh pag kumain ako malagyan sya ng kanin suma sakit nah kailangan ko talagang huminto sa pagkain para kunin ang kanin na nabaon sa butan nong ipin..
ok lng vah kng hindi ipabunot..ipapastahan lng ?

thanks in advance po sa sagot

Mae : hindi butan (butas pala) sorry..

Ask the Dentist : IpaRCT mo o bunot.

Mae : ohh my..mauubos nah talaga ang bagang ko nito kaka bunot..hehe

pero dba po pagka ipa root canal treatment masakit yon minsan dumu dugo pa ng dumudugo ..yon kasi nangyari sakin 6months ago..gang pina bunot kuna lng din..

Ask the Dentist : Kapag naghanap ka ng cheapest, usually tangang dentist ang mahahanap mo. May presyo kasi ang kalidad.

Mae : first ko yon nag pa root canal treatment dito sa maynila ni indorse ako ng kumpanya don sa pina gawaan ko..indi nga talaga ako kumbinsido non..iba nong dentist kusa negros..dito lng nag simula yong ipin ko dami ng problema…ang hirap sa
nag babayad ka para wala argghh ..

Mae : what a poor service
ung problema lng naman kasi sa ipin ko non ehh may umitim an dahil sa brace ..kaya pinalinis ko tapos ung gum namaga..
masakit,ang factory na pinag trabahuan ko kasi may hospital na affiliate sila don ako ni reffer..saklap imbis na rct ..bunot kasi na infect ang dna man dapat galawin ehh dipa ako lumipat ng doctor dku alam bakit..kaya true ang good service dmu makikita sa cheapest price..

Mae : salamat sa info.. God bless

Ask the Dentist : Oks.

RCT at Crown sa Quezon City

Em : doc magbukas ka na sa qc

Ask the Dentist : Oks.

Em : doc can you refer me to a prosthodontist in qc thank you

Em : doc question kasi nahati yung tooth ko sabi sakin di na daw puede isave at kelangan daw bunutin then ibridge. sabi naman ng isang dentist kaya daw niya i comestic bonding for just 400php im tempted but sounds too good to be true

Ask the Dentist : RCT at crown na ang kailangan kapag ganyan. http://www.denturesaffordable.com/restoration-of-broken-teeth/

Em : thanks doc

Kailan Pwede Ipunta sa Dentist ang Bata

Mayrechelle Kane : Doc! Pde ko na ba dalhin sa dentist ang 2 years old kong baby. Sira n ang upper teeth lahat. Dumudugo pg ngbrrush at umiiyak sya kapag ngbbrush. Ready na po ba sya??

Ask the Dentist : Oo. Pagkatubo nga ng ngipin, pwede ka na pumunta eh. http://dental.tips/first-dental-visit/

Mayrechelle Kane : Thank you po. Uhm may mairrcommend po b kaung pedia dentist batangas area

Ask the Dentist : Tignan mo ang malapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/

Magkano ang Magpa-Crown

Lara : Good evening dr.

Ask the Dentist : Hi

Lara : Mag kano po kaya ipa crown yung ganito?

For Crown Restoration
For Crown Restoration

Lara : Yung apat sa harap

Ask the Dentist : Madaming klase ng crown. All porcelain pinaka-ok, 20K pataas bawat isa. YUng porcelain fused to metal, 5K pataas bawat isa. Papasta mo lang muna. http://costdentures.com/ask-the-dentist/why-is-crown-needed/

Lara : Porcelain sana ang plano ko ipalagay

Lara : My clinic po ba kau around marikina?

Ask the Dentist : Sa november pa.

Lara : Ok

Lara : Thank you po

Lara : Dr. Good afternoon

Lara : Mag kano po ang root cannal nio

Ask the Dentist : Sa Nov pa kami magoopen.

Lara : Yan ang total sa akin nang isang dentist dito’ baka mas mababa po sa inyo? Salamat

Ask the Dentist : Wag ka maghanap ng cheapest. Kadalasan ng cheapest pumapalpak. Kahit siguro ikaw, paglinisin ko ng buong luneta, piso ibayad ko sayo, siguro kung papapaano na lang paglilinis mo. Ang gawin mo, magtanong sa mga clinic ng price, kunin mo ang average, saka ka mamili. Average, wag cheapest. Hanap ka dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/

Lara : Aw’ salamat po:)

Dilaw na Ngipin dahil sa Dumi

Adrian : May problem po ako kc po sobrang yellow na po ng ngipin ko dahil po yun sa kape tska may mga sira na po . Doc ask ko lang kung babalik pa po yung natural white ng ngipin ko if mag palinis ako at mag pa pasta ??

Yellow teeth.
Yellow teeth.

Ask the Dentist : Magpalinis ka. Usually, matatanggal yan. Unless may mali sa development ng mga ngipin mo. Isa pa, wag ka magpm ng magpm ng blangko. Madami akong ginagawa offline, kaya kahit magpm ka ng magpm, masasagot ko lang ang tanong mo kapag naharap ko na.

Ayaw ipakita ang litrato ng ngipin

April : Good Evening Doc.Tanong ko lang po kung anong pwedeng gawin pag yung space ng binunot na ngipin sinakop na ng mga katabing ngipin?nag slide na po yung ngipin.Pls reply.Thanks Doc

Ask the Dentist : Send ka ng photo

Ask the Dentist : Ano bale ang mithiin mo?

April : 😀

%d