Yellow Teeth – Dilaw na Ngipin

Rhyspoor: Pano po matatanggal ung dilaw sa ngipin?
Ask the Dentist Philippines: Hi Rhyspoor! Thanks for visiting our website. Hindi malinaw ang tanong mo, pero susubukan kong sagutin. Una sa lahat dapat mong ipakita sa dentist yang mga ngipin mo.

Kung ang ngipin mo ay dilaw, maaring natural na shade na ngipin mo iyan. Ang shade na yellow na ngipin ay nangangahulugan maganda ang pagkakaporma ng ngipin mo kaya naaaninag ang dentin sa ilalim.

Pwede ding yellow ang ngipin mo dahil sa stain ng yosi.

Pwede ding yellow ang ngipin mo dahil 10 taon ka nang hindi napapaoral prophylaxis sa dentist at calcular deposit pala ang nakikita mo.

Paano nga ba matatanggal ang dilaw? Depende ito kung ano ang rason kung bakit dilaw. Pwedeng tanggalin sa simpleng oral prophylaxis. Pwede itong mo din itong ipa teeth whitening sa iyong Dentist. Pwede itong lagyan ng laminate o dental crown, kung talagang malala ang kondisyon ng ngpin mo.

Salamat sa tanong mo Rhyspoor. Kumunsulta ka sa Dentist sa tunay na buhay. Tandaan mo Rhyspoor, “There is no online material nor website that can substitute a professional advice.”

9 thoughts on “Yellow Teeth – Dilaw na Ngipin”

  1. Hello, Doc!
    Follow up ko lang po sa wisdom tooth na root na lang ang natira sa gum. Oral surgery po ba ang gagawin doon? May idea po ba kayo kung magkano magpabunot ng ganitong condition? May diabetes at hypertension po yung magpapabunot.
    Magkano din po ang pagpapalit ng silver filling gagawing white filling? Dapat po bang palitan pa o huwag na lang?

    Salamat po.
    Cavite Area or Alabang Area po sana may mai-suggest kayong honest at magaling na dentist.

  2. Dok ? Tnung ko lng po. Ngpabunot po ako. Tpus may ntirang ngipin. Bnalik ko po sa dentist binunot nya. Kaya lng ngayon po kasi nag nana di ko po alam bat ganun e ntanggal n nman nya ung ntira.

  3. Doc nagpabunot po ako ngipin sa may bagang last week tapos mga ilang araw eh sumasakit ang panga ko hanggang ngayon masakit parin sya..ano po ba to dahil po ba sa bagbunot ng ipin ko kaya sya nasakit?

Leave a Reply