Nagpapalit ng bridge

Devie : Good day po. Ask ko lang po nagpapalit po kasi ako ng 4 jacket crown then nung tinanggal na po ung jacket ko may butas na po ung isa. So pinabunot ko nlng po. Then after 2 days, binalikan ko ung crown ko para ikabit na. Ang ask ko po is di ba magkakaroon ng infection ung kakabunot lng na ngipin? Kasi parang bagong bunot sya so may sugat pa un tapos kinabit na ung crown ko. 2 days after till now may nrrmdmn parin po akong sakit. Sana po magreply kau. Godbless!

Ask the Dentist : Paano yun, may bungi ka ngayon? Crown ba or bridge? http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Devie : parang ganto po sya. bagong bunot po ung isa. after 2 days kinabit na ung jacket crown ko. di po ba magkakaroon ng infection ung bagong bunot? kasi nilagay agad parang may sugat pa po kasi. after 2 days na nakabit ung jacket crown ko, til now may sakit parin po akong narrmdaman sa nabunot na ngipin . salamat po sa sagot:)

Ask the Dentist : Bridge yan.
Plastic yang bridge mo?

Ask the Dentist : Sayang ang ngipin mo, pinaRCT mo na lang dapat saka jacket crown.

Ideally, after mabunutan, pwedeng maglagay ng temporary bridge.

Devie : sa lower front teeth ko po ung may jacket crown po pala. naiexample ko lang po ung bunot sa picture :DD
porcelain po sya

Ask the Dentist : Picture-an mo. Send mo dito. Medyo magulo kang kausap. Hehehe!
Picture-an mo. Send mo dito. Medyo magulo kang kausap. Hehehe!

Devie : eto po ung picture parang namamaga po ung gums ko dahil sa bunot. di kaya magka infection po un? inilagay po kasi agad ung porceilain
Bridge

Devie : tska possible po ba na mag brace? hehe
panu din po kaya mapapa backward ung lower teeth ko? kasi pantay na pantay po sya sa upper teeth ko eh.

Ask the Dentist : Hindi mo na lang dapat pinabunot. Akala mo lang nakamura ka dahil pinabunot mo, pero hindi. Dapat pina-RCT mo na lang.

Plastic Jacket Crown Philippines

Joann : Hi dok, i saw ur page on google search. Thanks for the info na mga nabasa ko, pls see the attached picture of my 3 jacket plastic in front, upper part po. Nagkahiwalay na sya and its like 8 years n yta. Anu po bang magndang gawin? Pwede po ba ibrace? Thank you.

Plastic jacket crown

Ask the Dentist : Papalitan mo. Ang plastic pangtemporary lang. Kaya yang 8 years, malamang sira na yang ngipin mo. Mabuting magpaxray ka para makita natin kung ok pa yang mga ngipin mo. Madaming klase ng crown, pero ang plastic, pangtemporary lang yan. costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

Joann : Oo nga po pero kasi minsan nangingilo n sya pg malamig na inumin. ayoko po kasi sanag pustiso. wala na pong ibang paraan kung sira na yung ngipin ko sa loob ng jacket?
sabi din po kasi ng iba, mas madali masira porcelain? pero magkano po magagastos ko sa 3 ngipin ko if ever?

Ask the Dentist : Kung may sira na sa loob, pwede i-RCT. Pagkatapos ng RCT, lalagyan ng poste.

http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

http://www.denturesaffordable.com/prosthodotic-reconstruction-core-build-up/

Ask the Dentist : ANg jacket crown, dapat pinapalitan every 5 years.
Kung porcelain fused to metal crown, 5K pataas kada crown ang presyo. Makakahanap ka ng mas mura, pero pag gusto mo ng may quality, wag ka maghanap ng cheapest. Nasa average price ang hanapin mo.

Joann : so meaning, iroot canal po saka ipporcelain? pra hndi na masira ngipin sa loob doc? can u pls provide some best clinics near in tandang sora, quezon city po.

Ask the Dentist : Makikita sa X-Ray kung kailangan i-RCT. Kung hindi kailangan, jacket crown lang. Wala ako kilala sa Tandang Sora.

Joann : magkano po ang pa x-ray ng ngipin? pra my idea lang po ako.

Ask the Dentist : Mura lang.

Joann : Thanks doc. love lots. hopefully hindi pa sira ngipin ko, hndi p naman po sumasakit haha.

Ask the Dentist : Pa-x-ray mo para sure. Kita halos lahat sa x ray.

Joann : Okay doc. Thank you so much for your help.

Jacket crown sa lahat ng ngipin

Axel : Doc good eve po.ask ko lng po if pwd p ijacket ung buong ngipin ko sa taas may sira po kc lahat eh.

Ask the Dentist : Ipapasta mo lang yung maliliiit ang sira, yung malalaki ipa xray mo kung pwede pa i-jacket.

Axel : Uhm if ever po doc n pwd p xa ijacket,magkno po b ang price ng jacket ngaun?

Ask the Dentist : Madaming klase ng jacket crown. May mura may mahal. May pangit may maganda. All porcelain ang pinakamainam: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

Axel : Doc what type of porcelain is the best,ung hnd nmn xa ganong expensive.ung practical lng po pero good quality.kung halmbawa pong porcelain magkano po un.ncra po kc mgangipin ko sa retainer eh.

Ask the Dentist : Kung best, automatic na expensive yun. http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/

Public Dental Clinic

Chell : Hello po Doc.. gusto ko po magpa fixed bridge..3 na pong clinics ang pinag tanungan ko.. ang presyo po nila ay 10,000 kada crown.. 2 po yung missing teeth ko sa harapan.. so 4 na crow daw po, that is 40,000 all in all… Is that a reasonble price? May maire-recommend po ba kayong dental clinic sa Marikina? Thank you po..^^

Ask the Dentist : Anong klase ng bridge? Anong material? Ito yung materials:

Types of Porcelain Dental Crowns

Types of ceramic dental crowns that are commonly availa…

Chell : Porcelain fused to metal po… yun ba ang usual na price, 10,000 per crown kung ganung klaseng bridge ang gagamitin?
Doc, yung Pasig Dental Clinic po, private po ba sya or public?

Ask the Dentist : Wala yatang public clinic. Unless sa center yan.

Chell : ah okay po… kung sa inyo nalang po ako magpapa fixed-bridge, okay lang po ba?

Ask the Dentist : Pangasinan ako. Mahihirapan ka.

Chell : kala ko po meron kayong clinic sa manila?

Ask the Dentist : Pwede pero sa specialty school clinic kita gagawan.

Chell : Magkno po rate ninyo sa fixed-bridge per tooth?

Ask the Dentist : Mura lang.

Dentures that are Affordable

Jello : Hi Doc,

Nakita ko po itong page na to sa google
gusto ko lang po malaman kung magkano gastos if ever na magpapa-jacket ako ng ngipin… super panget poh kc ng ngipin ko.. ang dami pang sungki… basag po kc yung ngipin ko sa harapan…. sa may itaas po yun… dalawang ngipin po ang basag…

Affordable Dentures Manila
Ang inyong lingkod ay kasalukuyang gumagawa ng SCIENTIFIC RESEARCH tungkol sa prosthodontics sa Philippines. At dahil sa aking misyon na matapos ang aking research at makapagambag sa development ng…

Ask the Dentist : Ipaxray mo. Send mo dito ang xray

All Ceramic Jacket Crown

Khairia : Hello po. Im khairia from iligam city, ask ko lang po, nka porcelain jacket po kasi yung two fromt teeth ko, okay naman pagka gawa, parang totoong ngipin ko lang kaso po black xa sa gum line. 5k each po ang binayad ko sa dentist ko. Nalaman ko po sa internet na dahil may black sa gum line kasi porcelain with metal yung jacket ko. Eh na co-conscious po kasi po front teeth nga, gusto po po sana xa ipa change, gawing all ceramic porcelain para wala pong black sa gum line. Ano po gagawin ko? Papagawa po ako ng bago? Thank you po.

Ask the Dentist : Yes.

Khairia : Wala po bang other option? Mahal po kasi magpa gawa ulit.

Ask the Dentist : Meron. Ang other option mo ay wala kang gagawin dahil mahal magpagawa ulit.

Khairia : Ai ok po. Thank you

Magkano ang acrylic denture

Niño : doc magkano po kaya denture na removable? isang front tooth lang doc, at khit ung acrylic lang po, tnxx, price range nya lang po papagawa sana ako

Ask the Dentist : Yung dentist na makakakita sa bibig mo ang magsasabi sayo kung magkano.

Niño : kahit anong meron ba sa ngipin mo doc pwedeng i cleaning? tnx

Ask the Dentist : Yes.

Porcelain Denture

Shiela : Hi doc, i’ve been reading ur q&a in ur website & i find it very helpful… Plus u seem so cool.

Just want to ask what is recommended replacement for my denture. I already have 3 porcelain dentures in my 3 front teeth (pic below)

If possible, please give an estimated cost for different dentures.

Thanks & regards, shiela

Ask the Dentist : Removable denture yan? Madami kang option diyan. Optimum ang implants, mga 210K sa tatlo. Pwede ding fixed bridge. Madaming klase ang fixed bridge.

Porcelain Crowns
Types of ceramic dental crowns that are commonly availa…

Shiela : yes po

Ask the Dentist : Sa fixed bridge, 30 K pataas. Depende sa klase ng materyales. Sa all ceramics aabot din 120K. http://www.denturesguide.com/acb-cadcam/

Shiela : Thanks doc.

Ayaw sa Pustiso

Theo : Hi Doc, may other artifial teeth po ba na walang artificial gums? Or talaga bang teeth implant po yung answer dun? Mahal po kasi. Thanks

Ask the Dentist : Ipxray mo para makita natin kung ano ang possible na pwede gawin sa problem mo.

Theo : Wala naman pong prob, bungi lng tlga sya. Ayoko lng po sana ng pustiso. Kaso ang mahal naman ng implant.

Ask the Dentist : Ang gawin mo ang ipaxray mo saka mo isend dito. Kasi alam mo, wala akong kapangyarihan ng tulad kina madam auring para manghula kung ano ang nasa bibig mo ngayon.

%d