John Louis : why do we need to know about tooth discoloration??
Ask the Dentist : Tagalugin mo na lang, baka maging iba ang pagkakaintindi ko kasi kapag common sense ang ginamit ko ang magiging sagot ko sayo ay “ewan ko kung bakit kailangan mong malaman” or “Bakit mo kailangang malaman ay dahil discolored ang ngipin mo.”
An extremely ultra super small photo trying to prove its usefulness.
Karen : Hi Doc! Thanks for your reply. Here’s the pic you asked. Believe it or not, it looks even worse sometimes. what can you advise?
Thanks again.
Ask the Dentist : Wala ka ng mas malaking photo? Hindi makita. Haha!
Karen : ngek. wait lang. hanapin ko ang blow up nyan. hehe
Karen : doc, ito ang screenshot. wahaha sorry for the hassle ha.
Ask the Dentist : Rachel, ganito kasi yun. Ang limit ng online laban sa mismong nakikita eh nakadepende ka lang sa photo. Kunyari yang photo na yan, mga 4-8 meters ang layo mo niyan sa kumuha. Kahit ilapit ko ng todo ang mukha ko sa screen, hindi ko na maizo-zoom. Kahit izoom ko sa photoshop, useless na ang image, kasi hindi ko na makita kung ano ang height ng gilagid mo kumpara sa buto. Ikumpara mo sa pagpunta mo sa dentist, kunyari nasa upuan ka na, para makita ko ang smile mo, lalapit ako sayo. Pwede ko pang ilapit ang mukha ko para mas makita ko pa. Sa laptop mo, may camera. smile ka tapos litratuhan mo. Smile lang naman ang kailangan ko,wag ka mahiya. Mas maganda kung may photo na medyo malaki at malinaw, para maipakita ko sa kaibigan ko.
Ask the Dentist : Pero anyways, idescribe ko na lang siguro. Within metro manila ka lang naman di ba?
Karen : I am not. I’m in Dumaguete. Anyways, I’ve looked it up – baka gingivectomy/gingivoplasty ang solution. I will ask my local dentist. Thank you again for your time. I really appreciate it.
Ask the Dentist : Mali. Crown lengthening procedure. Tatabasin ang buto bago ang gums. Kapag hindi mo tinabas ang buto, ang gums babalik pa din sa dati niyang state na tulad niyan. Ang problema mo, maghanap ng dentist na may specialization sa perio. Hindi lahat ng dentist pare pareho, hindi lahat ng dentist magaling. Isa sa maipapayo ko pag pumunta ka sa dentist, magbihis ka ng simple at magpanggap kang mahirap. Pumunta ka sa ilang dentist. Bibigyan ka ng presyong mura, tiyak yun. Kunin mo lahat ng price, tapos pumunta ka sa may pinakamataas na price sa kanila. Pangalawa, tanungin mo kung saan grumadweyt ang dentist, –, — at — ang okay. Pangatlo, sa case mo dapat hindi bagong graduate ang gumawa, dapat may experience na, so tanungin mo kung sino ang main dentist. Pangapat, kung graduate ng periodontology sa US, or may Masteral sa perio sa pinas, doon ka na. Ang abosolute na magaling sa cases na ganyan, may masteral dapat sa periodontics.
Ask the Dentist : Sa paggawa ng case na ganyan, una susukatan, kukunanan ng x rays tapos photos. Kapag hindi ka kinuhanan ng x ray, magduda ka na. Kapag hindi ka sinukatan magduda ka na. Kung hindi ka kinuhanan ng photos, magduda ka na. Kaya ako humihingi ng photong malinaw, SOP yun sa esthetic cases.
Cora De Leon : Doc, paano mawala ang dilaw na dilaw na ipin?
Ask the Dentist : Hi Cora de Leon. Depende ito kung ano ang rason kung bakit dilaw. Pwedeng tanggalin sa simpleng oral prophylaxis. Pwede mo din itong ipa teeth whitening sa iyong Dentist. Pwede itong lagyan ng laminate o dental crown, kung talagang malala ang kondisyon ng ngpin mo. Continue reading “Teeth Whitening Philippines”
Richard Mounce: Good day ask ko lng po kung may possibilities po matanggal ang mga unwanted cavity sa ngipin? Paano po mapuputi yung teeth kung ito po ay yellowish?
Ask the Dentist Philippines: Hi Richard Mounce. Salamat sa iyong tanong. Napaisip ako ng matagal sa tanong mo. Meron nga bang wanted na cavity? Tuwing kailan mo gugustuhing magkaroon ng cavity sa ngipin? Hehehehe! Continue reading “Cavities – Butas sa Ngipin”
Rhyspoor: Pano po matatanggal ung dilaw sa ngipin? Ask the Dentist Philippines: Hi Rhyspoor! Thanks for visiting our website. Hindi malinaw ang tanong mo, pero susubukan kong sagutin. Una sa lahat dapat mong ipakita sa dentist yang mga ngipin mo.
Kung ang ngipin mo ay dilaw, maaring natural na shade na ngipin mo iyan. Ang shade na yellow na ngipin ay nangangahulugan maganda ang pagkakaporma ng ngipin mo kaya naaaninag ang dentin sa ilalim.
Pwede ding yellow ang ngipin mo dahil sa stain ng yosi.