Braces Cost in the Philippines

Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?

Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.

Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?

Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.

Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.

Panganim, kung may iba pang problema sa ngipin mo, kung may dapat lagyan ng dental crown. Kung may dapat bang pastahan, o dapat i-root canal treatment. Or kung may dapat bunutin. Dapat inuunang ayusin ang mga ito bago ilagay ang braces mo. Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Braces Cost.

Walang fixed price sa braces. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Hindi siya tulad ng pagpapa-pedicure Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang orthodontic treatment. Iba iba ding materyales.

The cost of dental braces in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dental treatment.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality Orthodontic treatment. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan. Itanong mo kung member siya ng International Association of Ortho or Association of Philippine Orthodontists. Kung may MS of PhD siya mas mabuti, nakakasiguro kang napakagaling ng dentist mo, yun lang siguradong medyo mas mahal.

Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.

For free dental braces consultation, visit Braces Quezon City Philippines.

Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

1,976 thoughts on “Braces Cost in the Philippines”

      1. Hello Dentist. Yong braces na worth of 5k up to 7k effective po ba un? up and down na op ba un? safe din po ba? maliit ang dis-align ng ngipin ko at gsto ko rin magpa-kabit.

        fr.Iligan city lanao del norte..

      2. Hi doc may braces na po ako 2years na to kaso wala na sya wire at pinakalock na ung apat tinaggal ko na din po.. At 3brackets na yung kulang.. 🙂 balak ko po na magpakabit ulit ng bagong braces kasi hindi po sya pantay.. Kaya gusto ko ulit magpakabit.. Pwede po ba un? At papayag po ba yung dentist na tanggalin nila brackets ko kahit di cla ang gumawa para magpakabit ako bago.. Thanks po

        1. Kung ako sayo hindi na ako magbibraces. Ang braces kailangan i-adjust every month. Halatang hindi ka nagpapaadjust. Kaya sigurado papalpak din lang kaya wag na lang. 🙂

  1. doc, gsto ko kasi mag pa self ligating, pro naka brace na ko, tradional braces nga lang. my ma irecommend ka ba? gsto kong ipa tangal itong braces ko at papalitan ng self ligating. my plan kc ako umalis ult ng bansa e

    1. Dear Rochy. Hi. Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Saan ka ba nakatira? Madami akong kaibigan na dentist na nasa iba’t ibang lugarsa Pilipinas. Gusto ko sana malaman kung saan ka malapit, para masagot ko ang tanong mo.

      Nagmamahal,
      Ask the Dentist

  2. dito ako sa san mateo rizal nkatira doc. ung magaling ha, kasi ayko masayang ng ibbyad ko e ska ayko masyang ang time.

    nagmamahal,
    rochy

      1. hello po, may balak po aq magpabrace. kaya lang ung isa kong ngipin eh nawala dhil naaksidente aq..pde p rin po b aq magbrace?

  3. doc, malapit lang ako sa quezon city, bandang fairview ska commonwealth, malapit din ako sa marikina. bka nmn my alam ka doc, kahit malayo dadayuhin ko bsta ung sure na magaling ha pra ndi syang ang byad.

  4. hello po Doc, EJ po ito,
    pwede po bang magpa-brace sa Pilipinas at taga dito ako sa ibang bansa? Sa pagbakasyon ko, magpapa brace po sana ako.

    1. Kung saan ka palagi, doon ka magpabraces. Ikaw ang mahihirapan, yung dentist mo ang matutuwa. Kung natanggalan ka ng brackets, sino ang magdidikit? Sino ang mag-a-adjust sayo? 🙂

  5. May kulang na po yung ngipin ko, 4 premolars, 2 each side. Magagawa po ba ng braces na i-move yung mga natirang ngipin para walang gap each tooth? Is it possible doc?

          1. So kaya po i-move ng braces yung mga ngipin para wala ng bakante sa premolars each side up and down?

  6. Hello po Doc. Gusto ko lang po mag-ask pwede po bang magkaroon ng braces yung anak ko he’s 12 years old, yung teeth niya po ay napapastahan 1 year ago. Yung teeth niya ay maganda naman kaso yung dalawa sa harapan ay malaki at yung sa gilid-gilid ay hindi pantay-pantay but the rest po ay okay naman. Pwede po ba Doc?

  7. doc ako po ito si 🙂 🙂 sa tingin nyo po magkano? kasi po doc yung iba po nagpapabrace po sila pero ang ayos ayos po ng ngipin nila..

  8. Hi doc,,ask ko lang po kung pde magpabrace dito sa abroad then Jan n sa pinas ang check up or adjustment??pde po b yun??thanks-yan

    1. Pwede. Pero mahihirapan ka at mapapamahal. Dahil panibagong bayad na naman. AT iba ang kaalaman ng bawat dentista. Kaya baka magulo pa ang treatment mo kasi iba ang iniisip ng dentist mo diyan at magiging dentist mo dito. Sa braces, mabuting iisa ang dentist mo.

  9. Advisable po ba na magpabrace ng ngipin pag may space yung dalawang ngipin sa gitna [ upper part po] o may iba pa po pedeng paraan para po magdikit yung dlawang ngipin na yun?

      1. Skgi po salamat po doc sorry po kung makulit ako may topak po ksi computer ee……thans a lot po doc sana po maayos tagal ko na po ksi di makasmile ee haha

  10. Pasagot nlng po doc kailangan ko po talaga ng tulong nyo pinagtatawanan po ksi ako palagi at tinutuksong rabbit daw ako -.- salamat po ! 🙂

    1. Advisable po ba ipabrace ang ngipin pag may space ? Ksi po yung dalawa kong ngipin sa harapan [ upper part] may space po ee kaya po ako tinutukso ano po bng advisable treatment para dun ?

  11. Doc pede po ba magpabrace ng ngipin upper part lng po ksi po mga ngipin ko po sa upper may mga spaces po pero sa lower maganda nmn po ….

  12. Doc mabubunutan po ako ng ngipin sa ibaba at nabubutan na din po ako dun dati kaya medyo hiwa-hiwalay na yung ngipin ko sa ibaba. Pwede pa po ba yun ipabarce? At kung magkano?

  13. Kasi po doc,My mga Sira ng ngipin,kaya papabunot ko po,so ganu po ktagal bga maikabit ung braces?after bunutan,thanks po,,

  14. Doc, magkano po ba magpafilling o magpapasta? Per teeth po ba? Masakit po ba yun? Natatakot kasi ako.

  15. ello Dentist. Yong braces na worth of 5k up to 7k effective po ba un? up and down na op ba un? safe din po ba? maliit ang dis-align ng ngipin ko at gsto ko rin magpa-kabit.

    fr.Iligan city lanao del norte..

  16. Hi doc! Gusto ko sana mag pa brace kaso natatakot ako bka masakit o pano ilagay yung braces s ngipin. Bubutasin ba yun para malagay ang braces? Upper and lower po ba iyon? S tingin nyo po magkano ang aabutin pg mag papabrace? Sungki sungki na kasi ang mga ngipin ko e. Tnx po godbless

  17. hello doc gud pm, pede po ba mgtanong? pede po ba mgpa brace khit ung upper and lower ng left side ko eh walang bagang?

  18. Doc, paano naman po kung may promo sa braces yung dental clinic na pinagpalagyan mo, sigurado po bang ok yung treatment nun?? kasi po syempre mura..

      1. sa tingin ko nman po ok yung dentist ko, and medyo sikat din po yung clinic nila.. sa Quezon, City po yun baka po alam nyo yun dok..

      2. doc, ask ko lang po pala, kung anung purpose ng fluoridization (fluoride varnish) and pati na rin yung dental sealants.. nakalimutan ko po kasi yung sabi nung dentist ko.. tnx po!

          1. doc, anu po yung effect nung fluoridization (fluoride varnish) at dental sealants kapag inapply na sa ngipin?

  19. Hi Doc.
    1. Puede bang magpabrace sa upper part lang?
    2. Puedeng tanggalin muna ang tartar bago kabitan?
    3. Ikakabit na po ba agad after tanggalan ng tartar?
    4. May injection ba pag magpapakabit?(mejo busngal lng po ako, gusto ko lng ipasok konti ung ngipin pero pantay nman po lahat)
    5. Ano pong pinakamabisang whitening product sa ngipin?
    6. Pag nakabitan na ng brace, puede ko po ba itong tanggalin para makapagbrush ng maayos?
    7. Ano pong mga d dapat gawin sa brace kapag naikabit na?
    8. Masakit po ba xa during installation?
    9. Masakit po ba pag tinatanggal ung tartar?
    10. May injection po ba pag tinatanggal ang tartar?

    Thanks po Doc.

    Nangangamba,

    Mr. Praning

    1. 1. Upper at lower lagi. Kung lower lang ganito ang mangyayari : http://www.askthedentist.tv/cheapest-lower-braces-cost-philippines/. Kung upper naman, imagine mo na sa taas nangyari yan.
      2. Laging tinatanggal ang tartar bago lagyan ng braces. Kung nagsuggest ang dentist mo na lagyan ka agad ng may tartar pa, magpalit ka ng dentist.
      3. Kung ikaw ay may periodontal problem, aayusi muna ang problema mo. Kaya maaring maghintay munang gumaling.
      4. Hindi ginagawa ang injection sa pagkakabit.
      5. YUng whitening na ginagawa ng dentist.
      6. HIndi. Mukhang hindi braces ang tinutukoy mo.
      7. Magsepilyo at magbrush lagi.
      8. Depende sa pain tolerance mo.
      9. Depende sa pain tolerance mo. Halimbawa sa akin, sanay ako sa hirap noong bata ako, kaya hindi ako nasasaktan. Malamang inalagaan kang mabuti ng nanay at tatay mo kaya napakadami mong tanong, at tiyak madali kang masaktan, .
      10. Meron.

      Walang anuman.

  20. Doc magkano ang cost ng braces up and down tsaka pwede po ba kayo mag suggest sakin ng clinic dito sa may laguna s parteng sta.rosa tsaka pwede po ba sya bayaran buwan buwan kasi nag wowork po ako bale buwan buwan ko nlng po sya bayaran at pag nakapagbraces po ba gano katagal ito s ngipin at pinapalitan po ba ito? Tsaka pano malalaman n magaling ang dentist ano ang papakita nya n certificate saken para makampante ako magpalagay ng braces s kanya? Tnx po doc

  21. baki po kasi maging cause na masira yung teeth kasi dba po mhirap linisan na ang teeth pag may braces na.. hindi po ba?

  22. Doc magakanu pu ung pagpapabrace kac po require ng dentist ska san pu ung malapit na dentista d2 alabang ung brace po sa tingin nyu po magkano2 lng. Naman pu ako bka pwede nyu pu masab ung price tnx. Po

  23. Doc tingin nyo po magkano ang pinakalowest na binibigay nilang price para magkaroon ng braces? Yung magandang brace po un ah. Tnx

    1. Depende sa tao kung ano ang itinuturing niyang lowest. Kasi kung ifafactor mo ung pagkawasto ng treatment, hindi mo iisipin ang lowest. Kunyari piso ang lowest para sa akin, kung mali mali naman ang ginawa sa ngipin mo, balewala din.

  24. hi doc.. gusto ko po sanang mag pa brace kaso yung dalawang teeth ko sa unahan ay pustiso possible po kaya yun?? mas mahal po ba ang bayad dun?

    thanks,
    FUJICOH

  25. hello doc…balak ko po magpa brace…ang problema sa akin ay medyo nagslant po yong isang front tooth ko at nkatanday sa isang front tooth kaya sa lower teeth ko apektado na rin…is this this possible po buh na mstraight yon alignment by braces?please reply po…and please email me lotis—aim.com… may kilala ka buh sa CDO?

  26. Hi doc my name is kelly from malolos bulacan. Kumakanta po ako balak ko magpa braces noon pa kaso nagddalwang isip po ako baka po maapektuhan ang boses ko!!! Ok lang po kaya kahit naka braces ka sabi kasi nila magiging pasal daw pagnagsalita..

  27. Doc nagaadjust po ba kayo ng braces? 🙂 magkano po? 😛 kasi po ang layo ng dentist ko gusto ko po sana lumipat 😛 and magkano po veneers? thanks 🙂

  28. hi doc tanung lang ak ok lang ba na mgpa brace sa lower part kc po sa lower part lng ung my space hindi naman xa gaanong kalaki ?pero im her in norway po pro gus2 kong mgpa brace jan ?theres possibility po na mka brace po ako

  29. Doc, may pasta po yung parehong katabi ng front teeth ko. Pwede pa rin ba yung lagyan ng brace? Baka masira. ? TY PO

  30. hi doc. ask ko lang po, kung ngayon ako magpapakabit ng braces, pwede po ba sya ipatanggal sa month of may? tapos ikabit na lang ulit… (ilang years po ba bago matanggal yung brace?)

  31. DOC , pwede pa po bang malagyan ng brace yung ngipin na may bulok sa loob ? madadala po ba yun ng pasta ?

  32. Doc 2 years na po yung braces ko kaso hindi ko po masyado napapacheck up and adjust kasi busy. Pwede ko po ba ipatanggal na tas magpakabit ulit ng bago sa ibang ortho?

    1. Sa tingin ko madami ka ng sira. Kasalanan mo na din. Alam mong dapat na inaadjust yan lagi. Nonsense na magpalit ka tapos ganun din gagawin mo. Hindi ako magtataka kung sa pagtanda mo, complete denture ka na.

  33. Pwede po bang pa brace khit nka porcelain jacket ung two front teeth q sa taas,then papa jacket q papo ung sa lower teeth q.tnx

  34. Doc, nagpabrace po ako last tuesday and overbiting po ang case sakin.. nilagyan ng dentisr ko ng makapal na pasta sa both side ng tooth ko sa baba.. para di daw mgdikit ang upper teeth at lower.. di naman ako makanguya ng maayos.. natural lang ba un na lagyan niya ng parang kalang sa baba?? para hindi mgdikit ang taas at baba??

    1. Ganyan din yung ginawa sa akin, nung kinabit yung brace ko. nilagyan din ng makapal na pasta sa lower tooth, para nga daw hindi magdikit yung upper teeth saka yung bracket sa lower teeth. mahirap ngang kumain sa una, parang hindi makanguya, pero masasanay din. 🙂

  35. ahh ok po doc, ngayon alam ko na… kanya kanyang diskarte depende din sa case ng ngipin.. ask ko din doc how many weeks kaya ang tinatagal ng sakit at hirap sa pagkain nitong pagkakaroon ng braces? and totoo po ba na nakaka badbreath ito?

    1. Masasanay ka din. Hehehe! Oo totoo sa mga pasyenteng hindi tinuruan ng dentist niya. At syempre kahit natutunan mo kung paano mapigilan pero tinatamad ka. Ansarap kayang magpakatamad. Kaya kung minsan gusto ko ding isabuhay ang pagiging taong grasa o spartan lifestyle.

  36. May dalawang ngipin na po na nabunot sa bag-ang ko,tapos ang plano ko po sana eh magpapa pustiso,pero napag-isipan ko rin po kung pwde bang ipa brace nlang para ipapa move lang yung dalawang ngipin ko rin sa bag-ang. Pwede po ba yun?

  37. Doc, nag pabrace napo aq, sa baba po binunot ung maliit na tooth sa baba,parang baby teeth sa gitna, at para mag dikit sila ng pantay, tapos sa monday daw po ikakabit ung sa taas.. kelan po kaya mag didikit ung sa ibaba ang sagwa kasi tignan T_T..tska bakit po ndi ako nakakaramdam ng sakit ? tulad ng sinsvi nila. 😀

    1. Depende sa reaction ng buto mo. Magdidikit yan ng mabilis wag mo lang pansinin. Malamang na wala pang force na inaapply kasi hindi pa nakalagay yung sa taas. 🙂

  38. Hi Doc, nakabraces po ako ngaun. Class III, tpos ang dami ko pong missing teeth sa bagang..molars po ba ang tawag dun…???sabi ng dentist ko mag pafixed bridge aq on the 6th month ng braces ko…good po ba yon?thanks worth 100k po yong braces ko 50% deposit and yong 50% po staggared payment. wala pa po yong fixed bridge dun…reasonable po ba yong price nya with my case??? thank you

  39. Good morning Doc. Julian po, balak ko po sanang mag pabrace.. pero may kailangan ayusin,, ung sa front teeth sa upper.. nabali po sya,, parang half ung naputol.. pinapastahan ko para magmukhang d bali,, kailangan daw e veneers… ask ko lng po kong magkanu papaveneers.. dun sa front teeth ko?..

  40. nagbanggaan kami nung pinsan ko, tumatakbo sya,, ung ulo niya tumama sa mukha ko, d ko napansin nabali pla ung sa front teeth ko,, pinaroot canal ko n rin po to,, kz nung 22 years ako, biglang sumasakit,, sobrang sakit,, pati ulo ko sumasakit,, nung napatingin ako sa dentist ko,, nagkatrauma ung sa nabali na teeth ko,, may nana na loob,, kaya ni root canal.. ngaun ok naman na,, 26 n ko ngaun,,

  41. good morning po doc. gucto ko po magpalagay ng teeht braces kasi yung teeth ko medyo labas na po and hindi na po magandang tingnan. maganda ho sana kasi walang sira pero ito nga po medyo labas siya. yung tipo na “tahang” ang dating. salamat po doc. cris from kidapawan city

  42. GoodEvening. Ano pong kaylangan gawin kapag may space po between 2 teeth tapos po sa space po merong ipin na maliit na nakasingit?

  43. doc maliit po yung isang pangil q kase di nabunot nung bata pa aq 19 yrs old na po aq. okay lang po ba mag pa braces kahit isang pangil nalang qng papabunot q un .

  44. hi doc may sungki ako sa taas ng ngipin q ung 2 nsa loob tapos ung 2 sa gitna nasa labas mahal kaya abutin ng pag pa brace nun

  45. Hi Doc, ask ko lng po..pde po b n dyan ako mgpagawa ng brace s pinas and then d2 n lng s kuwait ung follow up check up? kz my 1 contract p kasi aq n tatapusin d2 s kuwait.. or kng my mairerefer po kau skn n murang ortho d2 mas ok po.. ngtnong tnonh kasi aq d2 sng mahal po ksi ng pbrace unlike jan sa pinas..

      1. Hi Doc, wla kasi akong kilalang pinoy n dentist d2 s kuwait at wla din po akong tiwala s ibang lahi hehe.. my nkpagsabi po sa akin n bka pde dw po n jan aq s pinas mgpakabit ng brace and then d2 n lng s kuwait iaadjust basta dala q lng dw lht ng medical records q.. possible po b un doc? kasi 8months n lng nmn po ung tatapusin q n contract d2 s kuwait sa pagbalik q d2 s august.

          1. minor lng nmn po ung case q doc, ok nmn po lht ng ipin mejo my space lng po kasi ung ipin q sa gitna! tska di p po aq tnutubuan ng wisdom tooth..

  46. Gud pm poh Doc c Mitch poh to,my tatanung lng poh aq.pde po bang mgpabraces khit nka jacket ung isang ngipin q sa harap? kc planu q pong mg pa braces dti kso nata2kot po aq sa jinaket nlng ng dentist q kso palpak nman nkalabas tlga ung ngipin na nsa loob

  47. Uhhm malapit po ako sa marikina tapos naghahanp po ako ng magaling na dentist balak ko po kasi magpabrace! Ung installment lang po! May suggestion po ba kau?

      1. Pwede po ba magpabrace ng dalawang beses? Example nagbaprabrace na ako dati tas papabrace ulit ako pwede po ba un?

          1. Ehh pano po kng gusto ko lang? Doc pwede po ba mag sesend ako ng picture sau sa fb ng ngipin ko tas estimate mo po magkano aabutin LAHAT LAHAT! uhhm ano po account nyo sa fb?

          2. Kung natapos ang ortho treatment mo dati, there is no need. Pero kung hindi mo natapos yung dati, pwede. Hindi ko maiestimate kahit picture-an mo. Kailangan makita ko ng personal at dapat may xray ka.

          1. Hindi ko alam kung kanino mo napulot yang “accelerated braces”. Alam mo, lahat ng dentist gusto matapos agad ang case na ginagawa nila, para makasingil agad. Ang bilis ng ortho treatment ay nakadepende sa lala ng kaso, reaksyon ng buto mo at galing ng dentist mo. Idagdag mo diyan, kung pumupunta ka sa monthly adjustment mo.

  48. Hi Doc. Good evening. 🙂 Kapag po ba nagpabrace pwedeng ilagay ng sabay yung upper & lower braces? Nagpabrace po kasi ako pero inuna po ng dentist ko yung baba kasi mas madali raw po yun. Then after two appointments pa raw po yung taas. Nung nagkita ulit kami sabi niya bubunutan daw po niya ako (yung teeth after nung pangil) kasi open bite case po ako. Tama po ba yung ganung approach for open bite? Thanks po!

  49. Yes, doc nabunot na po yung bicuspid po ba yun (teeth after nung pangil). Last March 8 po ako binunutan then after a week pinabalik po niya ako para raw malagay na yung upper brace. Pagbalik ko po nung March 16 sabi nung dentist ko hindi pa raw pwede kasi may sugat pa yung binunot na part eh baka raw po mamaga yung mukha ko bilang acid yung gagamitin na panlagay sa braces. Babalik po ako ngayon March 28 sa kanya para ilagay yung upper braces.

    Possible po ba yun na after a week hindi pa rin magaling yung sugat ng binunot na part?

    Doc, yung xray ko po nasa dentist ko. Baka po kapag kinuha ko sa kanya ma-misinterpret po niya. Ano po bang maganda way para mahiram ko yung xray ko without offending my dentist?

    Thanks!

    1. Hindi ko masasagot ang tanong mo hangga’t hindi ko nakita ang bibig mo at x ray mo. Diskarte yan ng dentist mo. Base sa analysis niya sa case mo, yan ang procedure at step by step na sinunod niya. Tungkol sa paggaling, PM mo ako sa FB.

      Pero ang nasesense ko sayo, wala kang tiwala sa dentist mo. Siya ang dapat mong tanungin para mabuild ang trust.

Leave a Reply

%d