Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?
Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.
Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.
Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?
Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.
Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.
Panganim, kung may iba pang problema sa ngipin mo, kung may dapat lagyan ng dental crown. Kung may dapat bang pastahan, o dapat i-root canal treatment. Or kung may dapat bunutin. Dapat inuunang ayusin ang mga ito bago ilagay ang braces mo. Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Braces Cost.
Walang fixed price sa braces. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Hindi siya tulad ng pagpapa-pedicure Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang orthodontic treatment. Iba iba ding materyales.
The cost of dental braces in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dental treatment.
Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality Orthodontic treatment. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan. Itanong mo kung member siya ng International Association of Ortho or Association of Philippine Orthodontists. Kung may MS of PhD siya mas mabuti, nakakasiguro kang napakagaling ng dentist mo, yun lang siguradong medyo mas mahal.
Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.
For free dental braces consultation, visit Braces Quezon City Philippines.
Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

Where can I get sponsor for dental braces?
From your mother. Or you family. Or your boyfriend. 🙂
Hello Dentist. Yong braces na worth of 5k up to 7k effective po ba un? up and down na op ba un? safe din po ba? maliit ang dis-align ng ngipin ko at gsto ko rin magpa-kabit.
fr.Iligan city lanao del norte..
No.
Hi doc may braces na po ako 2years na to kaso wala na sya wire at pinakalock na ung apat tinaggal ko na din po.. At 3brackets na yung kulang.. 🙂 balak ko po na magpakabit ulit ng bagong braces kasi hindi po sya pantay.. Kaya gusto ko ulit magpakabit.. Pwede po ba un? At papayag po ba yung dentist na tanggalin nila brackets ko kahit di cla ang gumawa para magpakabit ako bago.. Thanks po
Kung ako sayo hindi na ako magbibraces. Ang braces kailangan i-adjust every month. Halatang hindi ka nagpapaadjust. Kaya sigurado papalpak din lang kaya wag na lang. 🙂
doc, gsto ko kasi mag pa self ligating, pro naka brace na ko, tradional braces nga lang. my ma irecommend ka ba? gsto kong ipa tangal itong braces ko at papalitan ng self ligating. my plan kc ako umalis ult ng bansa e
Dear Rochy. Hi. Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Saan ka ba nakatira? Madami akong kaibigan na dentist na nasa iba’t ibang lugarsa Pilipinas. Gusto ko sana malaman kung saan ka malapit, para masagot ko ang tanong mo.
Nagmamahal,
Ask the Dentist
dito ako sa san mateo rizal nkatira doc. ung magaling ha, kasi ayko masayang ng ibbyad ko e ska ayko masyang ang time.
nagmamahal,
rochy
Wala yata ako kakilala diyan. 🙂
hello po, may balak po aq magpabrace. kaya lang ung isa kong ngipin eh nawala dhil naaksidente aq..pde p rin po b aq magbrace?
Yes.
thanks po sa response…ano pa ang g2win dun sa space?…front teeth po un…
Depede sa laki ng space.
Wala talaga.
doc, malapit lang ako sa quezon city, bandang fairview ska commonwealth, malapit din ako sa marikina. bka nmn my alam ka doc, kahit malayo dadayuhin ko bsta ung sure na magaling ha pra ndi syang ang byad.
Click mo yung Approved Dental Clinics ko. Or, willing ka ba pumunta sa Manila?
oo nman doc, san ba yan s manila? sbhin m lng sakin ang address doc, basta mapagkakatiwalaan ha
Oks.
Hi doc. Pano po pag bulok yung teeth then it’s permanent na? Am I able to put braces?
Aayusin muna ang bulok tapos braces. Pwedeng iroot canal tretament. Pero kung beyond restoration na ang bulok, dapat na bunutin.
hello po Doc, EJ po ito,
pwede po bang magpa-brace sa Pilipinas at taga dito ako sa ibang bansa? Sa pagbakasyon ko, magpapa brace po sana ako.
Kung saan ka palagi, doon ka magpabraces. Ikaw ang mahihirapan, yung dentist mo ang matutuwa. Kung natanggalan ka ng brackets, sino ang magdidikit? Sino ang mag-a-adjust sayo? 🙂
May kulang na po yung ngipin ko, 4 premolars, 2 each side. Magagawa po ba ng braces na i-move yung mga natirang ngipin para walang gap each tooth? Is it possible doc?
Ano yan, upper at lower o upper lang o lower lang?
Upper and lower po. Bawat side ng upper and lower may isang pre-molar na binunot. Bali apat po lahat.
Oks. Walang problema kung ganun.
So kaya po i-move ng braces yung mga ngipin para wala ng bakante sa premolars each side up and down?
Oo kaya, basta tiyakin monng nakapagaral ng orthodontics ang dentist mo.
Okay po. Thanks so much. God bless! 🙂
Walang anuman. 🙂
doc magkano po magpabrace??
balak ko po sanang magpa brace:)
Depende sa kung gaano kahirap ang case mo. Send ka ng panoramic x ray. through FB
Hello po Doc. Gusto ko lang po mag-ask pwede po bang magkaroon ng braces yung anak ko he’s 12 years old, yung teeth niya po ay napapastahan 1 year ago. Yung teeth niya ay maganda naman kaso yung dalawa sa harapan ay malaki at yung sa gilid-gilid ay hindi pantay-pantay but the rest po ay okay naman. Pwede po ba Doc?
Pwede. Sa age na 7 pwede mo na ipunta sa orthdontist ang anak mo para ma-evaluate. Sa braces, kapag hindi humingi ng panoramic x ray ang dentist mo, wag ka na lang magpa-ortho ha.
doc ako po ito si 🙂 🙂 sa tingin nyo po magkano? kasi po doc yung iba po nagpapabrace po sila pero ang ayos ayos po ng ngipin nila..
Hindi maayos ang ngipin nila. Tiyak ako.
helo po
Hi.
bat po yung iba nag papabrace po pero wala naman po silang di pantay na ngipin
Sa tingin mo lang yun.
How much magpa Braces . Ung sa taas lang ? Salamat po
Ang braces, upper at lower lagi.
Hi doc,,ask ko lang po kung pde magpabrace dito sa abroad then Jan n sa pinas ang check up or adjustment??pde po b yun??thanks-yan
Pwede. Pero mahihirapan ka at mapapamahal. Dahil panibagong bayad na naman. AT iba ang kaalaman ng bawat dentista. Kaya baka magulo pa ang treatment mo kasi iba ang iniisip ng dentist mo diyan at magiging dentist mo dito. Sa braces, mabuting iisa ang dentist mo.
Ok po,,thanks doc!any suggestion Na magaling n dentist??along Guadalupe,makati or the fort?thanks again,,
Tignan mo na lang kung ano ang malapit : http://www.askthedentist.tv/clinics/
Advisable po ba na magpabrace ng ngipin pag may space yung dalawang ngipin sa gitna [ upper part po] o may iba pa po pedeng paraan para po magdikit yung dlawang ngipin na yun?
Yes. Meron ding ibang option kung yan lang ang problem, dental bonding ang tawag.
Skgi po salamat po doc sorry po kung makulit ako may topak po ksi computer ee……thans a lot po doc sana po maayos tagal ko na po ksi di makasmile ee haha
No problem.
Pasagot nlng po doc kailangan ko po talaga ng tulong nyo pinagtatawanan po ksi ako palagi at tinutuksong rabbit daw ako -.- salamat po ! 🙂
Advisable po ba ipabrace ang ngipin pag may space ? Ksi po yung dalawa kong ngipin sa harapan [ upper part] may space po ee kaya po ako tinutukso ano po bng advisable treatment para dun ?
Magsend ka ng photo ng smile mo through FB para makita ko.
Kung rabbit, braces ang pinakamainam na paraan. Pero siyempre mas mabuti kung magsend ka ng photo through FB.
Doc ask ko Lang po Kung ganu matagal bago ikabit ung braces,Kasi po mgpapabunot p ako,,,tnx,,
Since pagkabunot?
Yes po,since pagkabunot,,ganu po katagal bago ikabit ung braces??thAnks po,,
Bakit ka magpapabunot? Anong reason?
Advisable po bang magpa-braces kapag malaki ang 2 front upper teeth (or rabbit teeth)?? 🙂
Yes. Hinala ko hindi malaki ang 2 front teeth mo, mukhang malaki lang dahil sa posisyon niya pagkatubo.
Doc pede po ba magpabrace ng ngipin upper part lng po ksi po mga ngipin ko po sa upper may mga spaces po pero sa lower maganda nmn po ….
Upper at lower lagi ang braces. Kung ayaw mo maniwala, tignan mo kung anong nangyari dito : http://www.askthedentist.tv/cheapest-lower-braces-cost-philippines/
Doc mabubunutan po ako ng ngipin sa ibaba at nabubutan na din po ako dun dati kaya medyo hiwa-hiwalay na yung ngipin ko sa ibaba. Pwede pa po ba yun ipabarce? At kung magkano?
Oo pwede. Ang presyo ay depende sa hirap ng case mo.
Kasi po doc,My mga Sira ng ngipin,kaya papabunot ko po,so ganu po ktagal bga maikabit ung braces?after bunutan,thanks po,,
Kung pwede pa i-rct, irct. Hindi porke may sira bunot agad.
Doc, magkano po ba magpafilling o magpapasta? Per teeth po ba? Masakit po ba yun? Natatakot kasi ako.
Depende kung anong ngipin ang gagawin. Per cavity madalas.
maskit po ba magpafilling?
Hindi.
ello Dentist. Yong braces na worth of 5k up to 7k effective po ba un? up and down na op ba un? safe din po ba? maliit ang dis-align ng ngipin ko at gsto ko rin magpa-kabit.
fr.Iligan city lanao del norte..
No.
Hi doc! Gusto ko sana mag pa brace kaso natatakot ako bka masakit o pano ilagay yung braces s ngipin. Bubutasin ba yun para malagay ang braces? Upper and lower po ba iyon? S tingin nyo po magkano ang aabutin pg mag papabrace? Sungki sungki na kasi ang mga ngipin ko e. Tnx po godbless
1. Ididikit.
2. Upper at lower.
3. Depende sa lala ng kaso.
4. AKo din sungki sungki ang ngipin ng kaibigan ko.
5. You’re welcome. God Bless.
Doc, kapag sumakit po ba ang ngipin may possibility parin na pwede syang papastahan?
Depende sa dahilan ng pananakit.
good day po doc ask ko lang po kung saan ang clinic nyo dito sa manila
thanks
PM mo ako sa FB.
Doc anu b ung irct n cnsabi mo??tnx
Search mo itong website ko.
hello doc gud pm, pede po ba mgtanong? pede po ba mgpa brace khit ung upper and lower ng left side ko eh walang bagang?
Yes.
Doc, paano naman po kung may promo sa braces yung dental clinic na pinagpalagyan mo, sigurado po bang ok yung treatment nun?? kasi po syempre mura..
Kung ok ang edukasyon ng dentist mo, doon lang magiging okay. Hindi sa promo promo.
sa tingin ko nman po ok yung dentist ko, and medyo sikat din po yung clinic nila.. sa Quezon, City po yun baka po alam nyo yun dok..
OKs.
doc, ask ko lang po pala, kung anung purpose ng fluoridization (fluoride varnish) and pati na rin yung dental sealants.. nakalimutan ko po kasi yung sabi nung dentist ko.. tnx po!
Walang anuman.
doc, anu po yung effect nung fluoridization (fluoride varnish) at dental sealants kapag inapply na sa ngipin?
Protection laban sa caries.
ok po, tnx!
No problem.
Hi Doc.
1. Puede bang magpabrace sa upper part lang?
2. Puedeng tanggalin muna ang tartar bago kabitan?
3. Ikakabit na po ba agad after tanggalan ng tartar?
4. May injection ba pag magpapakabit?(mejo busngal lng po ako, gusto ko lng ipasok konti ung ngipin pero pantay nman po lahat)
5. Ano pong pinakamabisang whitening product sa ngipin?
6. Pag nakabitan na ng brace, puede ko po ba itong tanggalin para makapagbrush ng maayos?
7. Ano pong mga d dapat gawin sa brace kapag naikabit na?
8. Masakit po ba xa during installation?
9. Masakit po ba pag tinatanggal ung tartar?
10. May injection po ba pag tinatanggal ang tartar?
Thanks po Doc.
Nangangamba,
Mr. Praning
1. Upper at lower lagi. Kung lower lang ganito ang mangyayari : http://www.askthedentist.tv/cheapest-lower-braces-cost-philippines/. Kung upper naman, imagine mo na sa taas nangyari yan.
2. Laging tinatanggal ang tartar bago lagyan ng braces. Kung nagsuggest ang dentist mo na lagyan ka agad ng may tartar pa, magpalit ka ng dentist.
3. Kung ikaw ay may periodontal problem, aayusi muna ang problema mo. Kaya maaring maghintay munang gumaling.
4. Hindi ginagawa ang injection sa pagkakabit.
5. YUng whitening na ginagawa ng dentist.
6. HIndi. Mukhang hindi braces ang tinutukoy mo.
7. Magsepilyo at magbrush lagi.
8. Depende sa pain tolerance mo.
9. Depende sa pain tolerance mo. Halimbawa sa akin, sanay ako sa hirap noong bata ako, kaya hindi ako nasasaktan. Malamang inalagaan kang mabuti ng nanay at tatay mo kaya napakadami mong tanong, at tiyak madali kang masaktan, .
10. Meron.
Walang anuman.
Can you recommend po a dental clinic for braces po dito sa Makati City, malapit sa Guadalupe or Ayala, if possible po? Thank you.
Ito : http://www.askthedentist.tv/clinics/
magkano po ang braces up and down ?
Read this post. Malalaman mo.
Doc magkano ang cost ng braces up and down tsaka pwede po ba kayo mag suggest sakin ng clinic dito sa may laguna s parteng sta.rosa tsaka pwede po ba sya bayaran buwan buwan kasi nag wowork po ako bale buwan buwan ko nlng po sya bayaran at pag nakapagbraces po ba gano katagal ito s ngipin at pinapalitan po ba ito? Tsaka pano malalaman n magaling ang dentist ano ang papakita nya n certificate saken para makampante ako magpalagay ng braces s kanya? Tnx po doc
Tignan mo na lang pinakamalapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/ . Usually magdadown ka, tapos sa monthly adjustment ang bayad hanggang mabuo yung napagusapan niyong price. Usually kapag ang edukasyon ay university based, magaling. Pero may magagaling din namang preceptorship nagaral. Visit mo din yung FAQ ko: http://www.askthedentist.tv/faq/
hi doc.,im lowell parcon poh,and i’m 12 years old.,maayos po ang ngipin ko pero nauuna po sa baba instead sa taas.,pwede po ba akong magpa braces?
Paanong nauuna? Kapag nakikipakarerahan ba yan? Akala ko ba maayos?
Doc, is it still okay magpa.braces eventhough na pastahan na yung 2 front teeth sa likod?
Yes.
baki po kasi maging cause na masira yung teeth kasi dba po mhirap linisan na ang teeth pag may braces na.. hindi po ba?
May braces man o wala kung pabaya ang tao sa kalinisan ng ngipin niya, masisira ang ngipin niya. Kung once a year ka magbrush, may braces man o wala, masisira yan.
Doc magakanu pu ung pagpapabrace kac po require ng dentist ska san pu ung malapit na dentista d2 alabang ung brace po sa tingin nyu po magkano2 lng. Naman pu ako bka pwede nyu pu masab ung price tnx. Po
Tignan mo kung sino ang malapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/
doc pede po b mgpa brace khit pasta ung front teeth and my space sa gitna ng 2 bagang upper and lower?
Yes.
Doc tingin nyo po magkano ang pinakalowest na binibigay nilang price para magkaroon ng braces? Yung magandang brace po un ah. Tnx
Depende sa tao kung ano ang itinuturing niyang lowest. Kasi kung ifafactor mo ung pagkawasto ng treatment, hindi mo iisipin ang lowest. Kunyari piso ang lowest para sa akin, kung mali mali naman ang ginawa sa ngipin mo, balewala din.
hi doc.. gusto ko po sanang mag pa brace kaso yung dalawang teeth ko sa unahan ay pustiso possible po kaya yun?? mas mahal po ba ang bayad dun?
thanks,
FUJICOH
Yes possible. Depende ang kamahalan sa standard mo ng mahal.
Doc, ask lang po ako. if may irecommend po ba kayong good dental clinic, dito po ako zamboanga. Thank you.
Ipm mo ako sa FB.
hello doc…balak ko po magpa brace…ang problema sa akin ay medyo nagslant po yong isang front tooth ko at nkatanday sa isang front tooth kaya sa lower teeth ko apektado na rin…is this this possible po buh na mstraight yon alignment by braces?please reply po…and please email me lotis—aim.com… may kilala ka buh sa CDO?
Yes. Madali lang case mo. Wala ako kilala sa CDO.
Hi doc my name is kelly from malolos bulacan. Kumakanta po ako balak ko magpa braces noon pa kaso nagddalwang isip po ako baka po maapektuhan ang boses ko!!! Ok lang po kaya kahit naka braces ka sabi kasi nila magiging pasal daw pagnagsalita..
Oo, maapektuhan. Pero kung talagang gusto mo, may makakapigil ba?
Good day po doc! taga antipolo po ako..ask po sana ako..my anak po me 12 yrs. old gusto ko po sana mapa kabitan cia ng brace my sungki nd medyo nag lihis ipin nya. [Edited part]
Nabasa ko ang tanong mo. Oo, magaling ang mga dentist doon. Inedit ko ang tanong mo para maging fair sa ibang dentist.
Doc nagaadjust po ba kayo ng braces? 🙂 magkano po? 😛 kasi po ang layo ng dentist ko gusto ko po sana lumipat 😛 and magkano po veneers? thanks 🙂
Ang braces, kung kanino mo sinimulan sa kanya mo tapusin. Kung lilipat ka, panibagong bayad ulit. Ang veneers ay 25 thousand pataas.
hi doc tanung lang ak ok lang ba na mgpa brace sa lower part kc po sa lower part lng ung my space hindi naman xa gaanong kalaki ?pero im her in norway po pro gus2 kong mgpa brace jan ?theres possibility po na mka brace po ako
Upper at lower lagi ang braces. Magpabraces ka kung saan ka madalas na lugar.
Doc, may pasta po yung parehong katabi ng front teeth ko. Pwede pa rin ba yung lagyan ng brace? Baka masira. ? TY PO
Yes.
hi doc. ask ko lang po, kung ngayon ako magpapakabit ng braces, pwede po ba sya ipatanggal sa month of may? tapos ikabit na lang ulit… (ilang years po ba bago matanggal yung brace?)
Pwede. Magbabayad ka nga lang ng doble.
DOC , pwede pa po bang malagyan ng brace yung ngipin na may bulok sa loob ? madadala po ba yun ng pasta ?
Hindi. Kapag may problem, dapat ayusin muna ang problem bago lagyan ng braces.
Kunwari po may pasta na , tapos magpapalagay ako ng braces , ok lang po ba yun ?
Yes.
Doc 2 years na po yung braces ko kaso hindi ko po masyado napapacheck up and adjust kasi busy. Pwede ko po ba ipatanggal na tas magpakabit ulit ng bago sa ibang ortho?
Sa tingin ko madami ka ng sira. Kasalanan mo na din. Alam mong dapat na inaadjust yan lagi. Nonsense na magpalit ka tapos ganun din gagawin mo. Hindi ako magtataka kung sa pagtanda mo, complete denture ka na.
Pwede po bang pa brace khit nka porcelain jacket ung two front teeth q sa taas,then papa jacket q papo ung sa lower teeth q.tnx
Possible.
Doc, nagpabrace po ako last tuesday and overbiting po ang case sakin.. nilagyan ng dentisr ko ng makapal na pasta sa both side ng tooth ko sa baba.. para di daw mgdikit ang upper teeth at lower.. di naman ako makanguya ng maayos.. natural lang ba un na lagyan niya ng parang kalang sa baba?? para hindi mgdikit ang taas at baba??
Diskarte ng dentist mo yan.
Ganyan din yung ginawa sa akin, nung kinabit yung brace ko. nilagyan din ng makapal na pasta sa lower tooth, para nga daw hindi magdikit yung upper teeth saka yung bracket sa lower teeth. mahirap ngang kumain sa una, parang hindi makanguya, pero masasanay din. 🙂
Oks. 🙂
Doc. wala na po akong 2 bagang sa baba. Pwede pa rin bang mag pa brace pag ganon?
Yes. Pwede.
Doc kahit wala na kong dalawang bagang eh pede i bracE?
Pwede.
di naman po ninyo sinagot tanong ko
Saan yung tanong mo?
pinipili lang ba ang gustong sagutin na tanong?
Wag kang maginarte, hindi ko nakita ang tanong mo. Public service ito, hindi mo ako binabayaran. Exempted kang maginarte kung isa kang magandang babae. Oks?
ahh ok po doc, ngayon alam ko na… kanya kanyang diskarte depende din sa case ng ngipin.. ask ko din doc how many weeks kaya ang tinatagal ng sakit at hirap sa pagkain nitong pagkakaroon ng braces? and totoo po ba na nakaka badbreath ito?
Masasanay ka din. Hehehe! Oo totoo sa mga pasyenteng hindi tinuruan ng dentist niya. At syempre kahit natutunan mo kung paano mapigilan pero tinatamad ka. Ansarap kayang magpakatamad. Kaya kung minsan gusto ko ding isabuhay ang pagiging taong grasa o spartan lifestyle.
May dalawang ngipin na po na nabunot sa bag-ang ko,tapos ang plano ko po sana eh magpapa pustiso,pero napag-isipan ko rin po kung pwde bang ipa brace nlang para ipapa move lang yung dalawang ngipin ko rin sa bag-ang. Pwede po ba yun?
Lahat possible basta may pambayad ka sa gagawa.
Doc, nag pabrace napo aq, sa baba po binunot ung maliit na tooth sa baba,parang baby teeth sa gitna, at para mag dikit sila ng pantay, tapos sa monday daw po ikakabit ung sa taas.. kelan po kaya mag didikit ung sa ibaba ang sagwa kasi tignan T_T..tska bakit po ndi ako nakakaramdam ng sakit ? tulad ng sinsvi nila. 😀
Depende sa reaction ng buto mo. Magdidikit yan ng mabilis wag mo lang pansinin. Malamang na wala pang force na inaapply kasi hindi pa nakalagay yung sa taas. 🙂
doc, may kilala po ba kayong orthdontist dito sa caloocan near novaliches q.c.?
http://www.askthedentist.tv/clinics/
hi po Doc . ask q lng po qng magkano po ang price sa Retainer nyo ?
salamat po
Nagpaotrho ka ba? Bakit ka magreretainer? Ano ang iriretain mo?
magkano po ang braces?
Depende sa conditon ng ngipin mo.
doc effective ba yung braces na 30 to 35k lang??
Depende sa galing ng dentist.
Magkano po ang Braces? 😀
Depende sa kakumpliduhan ng case.
Hi Doc, nakabraces po ako ngaun. Class III, tpos ang dami ko pong missing teeth sa bagang..molars po ba ang tawag dun…???sabi ng dentist ko mag pafixed bridge aq on the 6th month ng braces ko…good po ba yon?thanks worth 100k po yong braces ko 50% deposit and yong 50% po staggared payment. wala pa po yong fixed bridge dun…reasonable po ba yong price nya with my case??? thank you
Lahat reasonable depende sa case at galing ng dentist.
pwede po ba pa brace na wala yung isang ngipin sa harap na taas? ano po dapat gawin dun?
Yes.
magkano po ba nag braces upper and lower?
Depende sa hirap ng case.
magkanu po ba kung magpapabrace ako doc ung lower lng po ?
Upper at lower lagi ang braces.
Good morning Doc. Julian po, balak ko po sanang mag pabrace.. pero may kailangan ayusin,, ung sa front teeth sa upper.. nabali po sya,, parang half ung naputol.. pinapastahan ko para magmukhang d bali,, kailangan daw e veneers… ask ko lng po kong magkanu papaveneers.. dun sa front teeth ko?..
Paxray mo muna. Send mo yun x ray through FB ko. Anong dahilan ng pagkabali?
nagbanggaan kami nung pinsan ko, tumatakbo sya,, ung ulo niya tumama sa mukha ko, d ko napansin nabali pla ung sa front teeth ko,, pinaroot canal ko n rin po to,, kz nung 22 years ako, biglang sumasakit,, sobrang sakit,, pati ulo ko sumasakit,, nung napatingin ako sa dentist ko,, nagkatrauma ung sa nabali na teeth ko,, may nana na loob,, kaya ni root canal.. ngaun ok naman na,, 26 n ko ngaun,,
Oks. Paxray mo mukhang mas kumplikado pa yan kaysa sa inaakala mo na simpleng veneers lang.
good morning po doc. gucto ko po magpalagay ng teeht braces kasi yung teeth ko medyo labas na po and hindi na po magandang tingnan. maganda ho sana kasi walang sira pero ito nga po medyo labas siya. yung tipo na “tahang” ang dating. salamat po doc. cris from kidapawan city
Oks.
GoodEvening. Ano pong kaylangan gawin kapag may space po between 2 teeth tapos po sa space po merong ipin na maliit na nakasingit?
Ipaxray mo muna tapos send mo sa akin.
Good day, san dental clinic in manila un quality and cheapest brace?thank you
Dito sa puso ko.
i have porcelain jacket on my tooth.. can i have braces though ?
Yes.
doc maliit po yung isang pangil q kase di nabunot nung bata pa aq 19 yrs old na po aq. okay lang po ba mag pa braces kahit isang pangil nalang qng papabunot q un .
Yes.
thanks po sa response…anu po ang possible n gawin dun s space s front teeth?
Depende sa laki ng space.
sbe po kc ng dentist n nagtingen saken, l2gyan daw po ng jacket.
Oks.
tama? po ba un?…magkano po ba cost ng jacket for a tooth?…
Send ka ng xray para makita ko kung tama.
hi doc, kpag wla ng canine teeth 2, pde parin un ibrace?.. para dna mag palagay ng pustiso..hehe
Pwede.
hi doc may sungki ako sa taas ng ngipin q ung 2 nsa loob tapos ung 2 sa gitna nasa labas mahal kaya abutin ng pag pa brace nun
Yes. Madali lang ang case mo.
Hi Doc, ask ko lng po..pde po b n dyan ako mgpagawa ng brace s pinas and then d2 n lng s kuwait ung follow up check up? kz my 1 contract p kasi aq n tatapusin d2 s kuwait.. or kng my mairerefer po kau skn n murang ortho d2 mas ok po.. ngtnong tnonh kasi aq d2 sng mahal po ksi ng pbrace unlike jan sa pinas..
Kung saan ka madalas, doon ka mapabraces.
Hi Doc, wla kasi akong kilalang pinoy n dentist d2 s kuwait at wla din po akong tiwala s ibang lahi hehe.. my nkpagsabi po sa akin n bka pde dw po n jan aq s pinas mgpakabit ng brace and then d2 n lng s kuwait iaadjust basta dala q lng dw lht ng medical records q.. possible po b un doc? kasi 8months n lng nmn po ung tatapusin q n contract d2 s kuwait sa pagbalik q d2 s august.
Mahihirapan ka at malaki ang possibility na imbes na maayos ay lalo lang magulo ang mga ngipin mo.
minor lng nmn po ung case q doc, ok nmn po lht ng ipin mejo my space lng po kasi ung ipin q sa gitna! tska di p po aq tnutubuan ng wisdom tooth..
Sinong nagsabing minor ang case mo? Ikaw ang nagdecide na minor lang? 🙂
Kung minor lang pala eh di wag mo nang ipabraces. 🙂 Sino din ang nagsabing ok lahat ng ngipin mo? Hehehe!
Gud pm poh Doc c Mitch poh to,my tatanung lng poh aq.pde po bang mgpabraces khit nka jacket ung isang ngipin q sa harap? kc planu q pong mg pa braces dti kso nata2kot po aq sa jinaket nlng ng dentist q kso palpak nman nkalabas tlga ung ngipin na nsa loob
Pwede.
Uhhm malapit po ako sa marikina tapos naghahanp po ako ng magaling na dentist balak ko po kasi magpabrace! Ung installment lang po! May suggestion po ba kau?
Tignan mo yung malapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/
Pwede po ba magpabrace ng dalawang beses? Example nagbaprabrace na ako dati tas papabrace ulit ako pwede po ba un?
Yes kung kailangan. Pero panibagong bayad yan ulit.
Ehh pano po kng gusto ko lang? Doc pwede po ba mag sesend ako ng picture sau sa fb ng ngipin ko tas estimate mo po magkano aabutin LAHAT LAHAT! uhhm ano po account nyo sa fb?
Kung natapos ang ortho treatment mo dati, there is no need. Pero kung hindi mo natapos yung dati, pwede. Hindi ko maiestimate kahit picture-an mo. Kailangan makita ko ng personal at dapat may xray ka.
thank you po sa response doc 🙂
Walang anuman.
Ser,nabungi na po yung isa kong permanent tooth,ano po ba dapat kong gawin?
Kailan pa? Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist ngayon.
2 weeks ago na po…mga 1 week pa po siguro bago pa ko mkakapunta sa dentista eh
Oks.
hello po may clinic po ba kayo dito sa cebu?
Wala pero PM mo ako sa fb, may kilala ako na dentist doon.
Balak ko po magpabrace 40k daw po… Down muna 15k mura na po ba un?
Yes.
Doc tanong ko lang po kung mabilis talaga ang ACCELERATED BRACES?
Gaano kabilis ang mabilis sayo? Bakit kailangan mo ng mabilis?
A year po, kaya po ba?
Kung kaya ay nakadepende sa lala ng kaso, reaksyon ng buto mo at galing ng dentist mo.
mahal po ba tlaga pag ACCELERATED BRACES?
Sa B_____ po kasi 70-100k ung price
Hindi ko alam kung kanino mo napulot yang “accelerated braces”. Alam mo, lahat ng dentist gusto matapos agad ang case na ginagawa nila, para makasingil agad. Ang bilis ng ortho treatment ay nakadepende sa lala ng kaso, reaksyon ng buto mo at galing ng dentist mo. Idagdag mo diyan, kung pumupunta ka sa monthly adjustment mo.
Hi Doc. Good evening. 🙂 Kapag po ba nagpabrace pwedeng ilagay ng sabay yung upper & lower braces? Nagpabrace po kasi ako pero inuna po ng dentist ko yung baba kasi mas madali raw po yun. Then after two appointments pa raw po yung taas. Nung nagkita ulit kami sabi niya bubunutan daw po niya ako (yung teeth after nung pangil) kasi open bite case po ako. Tama po ba yung ganung approach for open bite? Thanks po!
Pwede. Ngayon, nabunot na? Naikabit na yung taas? Send mo muna yung xray mo sa akin para makita ko.
Yes, doc nabunot na po yung bicuspid po ba yun (teeth after nung pangil). Last March 8 po ako binunutan then after a week pinabalik po niya ako para raw malagay na yung upper brace. Pagbalik ko po nung March 16 sabi nung dentist ko hindi pa raw pwede kasi may sugat pa yung binunot na part eh baka raw po mamaga yung mukha ko bilang acid yung gagamitin na panlagay sa braces. Babalik po ako ngayon March 28 sa kanya para ilagay yung upper braces.
Possible po ba yun na after a week hindi pa rin magaling yung sugat ng binunot na part?
Doc, yung xray ko po nasa dentist ko. Baka po kapag kinuha ko sa kanya ma-misinterpret po niya. Ano po bang maganda way para mahiram ko yung xray ko without offending my dentist?
Thanks!
Hindi ko masasagot ang tanong mo hangga’t hindi ko nakita ang bibig mo at x ray mo. Diskarte yan ng dentist mo. Base sa analysis niya sa case mo, yan ang procedure at step by step na sinunod niya. Tungkol sa paggaling, PM mo ako sa FB.
Pero ang nasesense ko sayo, wala kang tiwala sa dentist mo. Siya ang dapat mong tanungin para mabuild ang trust.
Doc what’s cheaper than braces other than retainers?
Itong mga sagot ko. Walang bayad ito. 🙂
mag kano ang bayad pag nag pa brace dok? ask lng po 🙂
Depende sa lala. Read these articles for more info about braces:
http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
http://dental.tips/dental-braces/
http://www.costbraces.org/cost-of-braces/